Thursday, September 18, 2014


Tagalized Books and things like that
by utaklato


I was like walking my way papunta ng school when I passed by this tindahan
ng children’s books and O-to-the-M-to-the-G I saw what appeared to be like
Hunger Games and Twilight na tinagalog. As in napa-OMG talaga me. Is it the
end of my helluva world? Is this the real life or is this fantasy lang ba?
They were translated na talaga!

Because I was so galit with what I saw, I made pasok to this store nga and
I made buklat those books. Yuck as in so corny the translation ha! I’m so
like galing in reading and stuff pa naman but seeing these made my
tagihawat and wrinkles make labas on my face ha! Nakakairita like super!
Imagine ha, they like Sotto-copied my favorite books talaga as in! Super!

As I turned the pages ng mga libro, I felt that certain galit inside me
boil and boil and boil. I already finished reading both the two books, as
in lahat nabasa ko na, and look what I saw, my treasured books na super
pinapahalagahan ko, they were butchered at nakatay at namurder all at the
same time. As in OMG ha nakakatawa as in super laugh ako while reading this
books like that.

Aside from that, like haller, di ba we have Filipino books naman. Like,
instead of translating the books, why not make imprenta Filpino books so
that ang napapakalat is yung books na truly ours. Oh dibuh, I’m like
instant, whatchacullit? Makabayan. I’m so proud like OM!

All of a sudden, while I was enjoying the humor na syempre may mixture pa
rin ng anger and stuff, someone went beside me and by the looks of her,
she’s a yaya. She’s like wearing this pink uniform that you see in
teleseryes talaga like as in. So, she was reaching for the same title of
the libro that I was reading, and bam, after making buklat a few pages with
ngiti while reading, she went to the cashier to make bili na the book. I
was in awe.

It suddenly occurred to me na, oo nga pala, these people so like can’t read
well in English. We cannot make sisi them for not being able to afford the
education that I am personally feasting on because of the tuition that is
so mahal na only people like me in the elite circle can afford and even
waste. So diba, they can’t enjoy the books na I get to read and ignore
afterwards dahil nabasa ko na. Sayang naman dibuh if they will not be able
to experience yung alam mo yun, you know, the certain sensation of like
fulfillment when you make tapos reading a libro dibuh.

So I was thankful and I would like to express my pasasalamat to the
publisher’s who made benta of these books na sobrang like magandang i-read
dibuh. Kasi, if not for them, those people na poor and unfortunately hindi
nakapag-study will not be able to read and experience the magic of
literature. Of course naman we would not make limot our own, but syempre,
we have to like read foreign na book, right?

I looked at the yaya walking away with that book that she bought. She is
like the one that got away with a promise that even if she is so mahirap,
she can like still afford education and things like that, books and all.
RIght din naman niya yun, dibuh? Like, dibuh? I sighed with relief, and I
promised myself that I will not make tantrums na when I see books like
these just because nabasa ko na ang books na ito, like you know, yung
parang ako lang ang my right to read these. I swear!

Oh no, not 50 shades of effin’ Grey!

MGA TANONG NA HINDI MASAGOT SAGOT:







1. Anong circumference ng mukha ni Charice at ano ang diameter ng panga nya? Show your solution.


2. Bakit pa tinawag na 2nd home ang School kung bawal rin matulog?





4, Kapag ba ang buntis, pinicturan, makukunan? Ipaliwanag.


5. What’s your point? Paki-locate sa Cartesian Plane.


6. Hanggang saan aabot ang bente pesos mo?


7. Kung walang kamay ang mga ibon, then why do birds suddenly APIR? Ipaliwanag.


8. Bakit mo pinagpipilitan sarili mo sa taong ayaw sa 'yo? Defend your answer.


9. Alin ang tunay, Royal True Orange o Minute Maid with Real Pulp?


10. Where do broken hearts go? Can they find their way home? Cite examples based on experience.


11. Mas madali raw hulihin ang manok kapag nakatali,ngunit bakit pa ito kailangang gawin kung nakatali na nga ito?


12. Gaano kaitim yang kili-kili mo? Explain using the fifty shades of grey.


13. Paano mangulangot si Wolverine? Explain and illustrate.


14. Bakit wala paring tatalo sa ALASKA? Explain briefly, No Erasure!


15. Ano ang cultural explanation ng pagkembot ng reyna habang pumapasok ito sa bulaklak?


16. Should I give up? Or should I just keep chasing pavements?


17. Bakit double U ang tawag sa W? Bakit hindi na lang double V?


18. Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumanda, anong karapatan mo? Defend your answer.


19. Kailan grumaduate ang Graduated Cylinder? Expound. Show history.


20. Bakit square ang box ng pizza samantalang circle naman ang pizza? Elaborate.


21. Nasaan ang corn, sa corned beef?


22. Gaano kataas ang lipad ng Whisper with Wings? Demonstrate.


23. Pwede bang lagyan ng ballpen ang Pencil Case?


24. Who let the dogs out? Explain briefly.


25. Sinong kumagat sa Apple logo? I-explain bakit hindi niya inubos.


26. Pag na-ban ang plastic sa Pilipinas, kelangan mo na ba matakot at magtago?


27. Kung 20 yrs old na si Mahal. Niregla ba siya? Illustrate her pubity stage according to Darwins theory.


28. Only Belo touches my skin, who touches yours?


29. Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sakanya? Defend your answer.


30. Kapatid ba ni Swiper the Fox si Megan Fox? At pinsan ba ni Megan Fox si Mozilla Firefox?


31. Ano susundin mo, sigaw ng puso mo o sigaw ng nanay mo?


32. Jumbo hotdog kaya mo ba ‘to? Explain your answer into 10-30 sentences.


33. Choco na gatas or gatas na choco? Nakakabusog o Nakakalusog?


34. Hot pa din ba ang hot sauce pag nilagay mo sa loob ng ref?


35. Saang direksyon papunta ang One Direction?


36. Bakit laban ang hanap ng batang bonakid?


37. Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?


38. Kung si Corazon ang unang aswang, pang-ilan ka?


39. Sa huling pagkakataon, tatanungin ulit kita. Showtime or Goodtime? Tandaan mo meron ka ng X.


40. Ano ang mas tama? AMALAYER or AMABEE? Explain.


Ugh!!! PAKISAGOT ☆★☆

Friday, August 9, 2013

Random Mema 1




kapag happy ka at bet mo ang ganap sa buhay mo personally, umaarte ka ng akma, mabuti, masaya at mapag mahal sa mga taong malapit sayo. Kasi mas komportable ka sa nararamdaman mo, gaano man ka nega ang i-arte ng mga taong nakapaligid sayo minsan, nanaig pa rin ang pagiging kalma, chillax at pinapakitaan mo sila ng pagmamahal at confidence sa mga inarte nila. Kapag piniga mo ang dalanghita... katas ng dalanghita ang lalabas... dahil yun ang laman nya sa loob. Kaya pag piniga ka... ang lalabas ay kung ano ang nasa loob mo at iyo ay ang natural mong asim!...

Be Fabulous Like Bebe Gandanghari

Oh M My Pez!


Si Carmina o Ako?


Sino nagsabing si Madam Celia lang ang may say mag turban?



why me??? di ko keri ang bigat ng 2 1/2 kilos na dangling na itey!



pout lang!


Eksena sa sala...


Super Sireyna Grand Coronation




Part 1


                                          
Part 2

 

Part 3


Part 4


Part 5


and the winner is....



Jaran!


Tuesday, March 12, 2013

Shuwaylight


Si Bela Flores ay ang bilat na may kakaibang saltik. Sya ay bukod tangi sa lahat, may kung anong kakaiba sa babaeng ito na di mawari ninoman. Dedma si Bela sa kung ano man ang trendy at pasok sa banggang pasyown... may sarili syang mundo, wae ker sa mga bilat na puro pag papa pretty ,kakiyan at wasak KIKI ang peg sa buhay. 

Hiwalay ang mudang at Fudang ni Bela. Marahil eto 
na rin ang kadahilanan kung bkit sya kakaiba. Ng mag moment si Mudang ... chinika nya si Bela na di nya na kaya pang  pigilan 
ang ka kirian nya at bet na bet na nyang jumoin sa bago nyang bowawis at gumawa ng panibagong Bela 2,3,4,5,6 hanggang di 
bumibigay ang matris nya continue with the count.Dahil dtey, Minabuti ni Bela na pirmahan ang Join Forces agreement na 
inilahad ng kanyang fudang bago sila mag hiwalay some 5 minutes ago. Ito ay ang mamuhay kasama sya sa Porks, tama Grace Porks Caloocan City.

Para kay Bela wala namang malaking pagbabagong idudulot sa kanya sa pag join nya sa piling ng kanyang fudang. 
Marahil dahil isa lamang naman syang teenager na nganga at go with the flow lang din ang peg. Pero sya ay na wrong...
Ng Ma meet nya si Edward Caling... ang maningning at shine bright like a diamond skin tone ni Edward...you dont do that to her! na Starstruck ng bongga si Bakla! Bonggels talaga si Edward, manyaman, matalino at may kung anong kakaiba sa titig ni Edward. Titig na makabasag hymen! 

Egsena: Bela and some random Friends sa kantina

Jessica :Yan ang Pamilya Caling, mga kyompon sila ni Dr. Carly Rae Japsen Caling.Uber close sila as in uber uber Ow-EY closeness talaga sa isat isa... Yung blondie, yan si Row-salie at yung otokong ka join nya ay si Emmet magkapatid sila pero mag jowa sila... kalowka lang diba... at yang paparating na bilat na maikli ang hereret ... yan si Alice Bungisngis feeling ko may saltik sya at parang may kung anong something... at yung ka join naman nya ay si Jhasper, na parang laging may pinag daraanan, laging hirap na hirap mag kikilos

Bela: eh Cynthia? bakit wae sya ka join? 
Jessica: ahh.. yan si Edward Caling... Borta at Yummy at malamang uber choosy.. kasi wae talagang bilat na nabetan yan dtey kebs ko naman din dbah!

Iba talaga si Edward, 1st time mka experience ni Bela ng otoko na kagaya ni Edward, uber puti malamang ilang patong ng BB 
creme si Sir. Di nag tagal naging mag bowa si Bela at Edward... Isang kakaibang relasyon, hinde normal na relasyon...

Hinde normal dahil, hinde normal na otoko si Edward. Mas mabilis pa sya sa alas kwatro, kaya nyang mag pa hinto ng karumba na handang sumalpok sa Pez ni Bela gamit ang isang kamay. Imortal si Edward, isa syang Bampira! ...


-itutuloy

Thursday, January 10, 2013

Be Becky Vavajee



Alam ko wit itey ang 1st time nyong ma hihearsung ang mga terms and all about the bekispeak na ginagamit ko sa blog na itey so para mas mapadali ang buhay ninyo I made a Beksyonary para naman mas lumawak pa ang baklabulary nyo..


Aurora Blvd,Aurora Halili-  tambayan ng mga bet maka hala, Emote ng beking may bet na kuya

Gloria Romero - Beking walang sawang umiikot sa area at di titigil sa pag roroam hanggang walang nakukuhang biktima

Rowena - Si Rowena ang babaeng tatawag sayo pag wala kang nakuhang matinong aura sa pag rampa mo... in short Zero!


Nemola,Namesung,Syungalan,Cynthia - Name,Sino, Sino Sya

Coco- kokonti na lang ang hair, bilang na bilang ang attendance ng hair sa follicles ng ulo ni Mam or Sir

Kyowag- Calls

GGSS- Gandang Ganda sa Sarili

Aleli,Kat-Kat,- Alila, katulong

Witchelles,Witchikik,wititit,wae- hinde,wala

GL Card - Card na ginagamit para mka aura ng libre... Ganda Lang ang puhunan

Mumu - mumurahin

Nakaka LL- Nkaka luwag luwag

Nkaka SS, Gym Body - Nakaka sikip, Pabigat!

Korina Sanchez- Kuripot, wae bet mag ambag sa twina, pero kung makikain wagas... sing laki ng pez ni Kurina ang kakapalan

Festival Mall - Mukha, Face

Wally- Wa leeg, para sa mga obis na kagaya keij na nalost na ang leeg dahil sa kaubisan

Lili and GiGi not GG ok?- Nanlilimahid at ng gigitata

Ate Vi- Atribida, Ma papel

Dual Citizen - Mapapel at Plastic

Egyptian Airlines - Jeep

Kyota Kinabalu - Bata, teeny boppers

Boy Band - Lalaking sintaba ng baboy

GG- Jiji e-ra, gawa-gawang chika, mga talak na di makatotohanan

Erna - Di mo bet ang amoy nitey. Kaya gagamitin ko na lang sa sentence... Te... ma kyoho... naka apak ka ba ng erna? So alam na?

Imbey - Imbyerna, Irita, Pika

Eme- Eme - Eni Eni lang

Kusay/Smellanie Marquez- Amoy ng Erna

Papaitan/Uranus - Eto ay labasan ng Erna

Syupatembang - kapatid kagaya din ng Sisteraka

Otoko, Hombre - lalaki

Merli, Merlat, Bilat - Babae

Higad - kelangan pa bang imemorize yan?

Moonique - Aura ni Friendship na medyo may extrang inch ang baba, na nag mimistulang moon pag nka side view

Sea Man - Aura ni friendship na mukhang Sea Monster at  may kakila kilabot na PEZ

Hagrid - Aura ni friendship na mukhang bakulaw sa laki

Thru the FIRE - Aura ni Friendship na ang peg ay Si Chaka Khan

Hale Berry - Halitosis to the Nth Level

Maggie - Magilagid, gums to gums ang labanan

Dina M - Dina Masama, OK na rin, pwede na

True or False/Jollibee/Nyostises - nandito ang saya.. at pag wae nito wae ka rin maka laugh ng bongga, Ikaw na ang magtanong ng mahiwagang tanong... Is that true or false? ... Teeth?

BudJey,Okane,Manilyn - Pera 

TiFFany - Baklang nag titipid dahil kinulang na ang budJey

Getlak/Ginetlak - Kuha

Tegi,Tegras,Syutay - Ginetlak na ni Lord at nsa UK down under na...

Bibora- Sidekick ni Valentina na walang kasing daldal... at pag beki ka... at wala kang humpay chumika... BIBORA ka!

MerMer- Na Memera/Opportunista mga taong tubong Alaska

Kwala  Lumpur, Malaysia - tahanan ng Hari ng tondo, mostly may gulong sa ibabaw ng bubong

Fransya - Hinde ito ang tagalog ng Bansang Pranses kundi ito ay ang mga taong may kakaibang sapak... mga baliw...

Bona - uri ng pag niniig ng dalawang nilalang

Bayembang/Bayis/Bali Indonesia - ito ay ang pag tats sa sarili sa saliw ng awitin ni Mama Celine Dion All by my self...

Balaj - balahura

Matmat/Matud/- Nag mamay ari ng kamay ni Hilda, mga tulisan, mga gumigetlak ng mga bagay na di kanila at finders keepers ang motto nila... 


As you know laksa laksang mga salita ang pinapa andar ng mga sang kabadingan at di nila bet na nag mamainstream ang mga ito, kaya patuloy ang pag evolve ng mga salita mabilis pa sa las kwatro at mas marami pa sa bilang ng pokemons...