Wednesday, December 12, 2012

Kwentuhan sa FX: Good Vibes lang




Ate1 : Te, matanong lang kita bakit ka happy kahit di ka pretty?
Ate2 : Ouuch! Hilda, sobra ka naman...masakit ha... 
Hilda (acdg kay ate): Ay sorry, kala ko naman kasi ok lang sayo na tinatawag kang pangit...
Ate2: Ok lang nga, pero masakit yung pag ka hila mo sa buhok ko. Iba talaga ang kamay mo Hilda! natanggal tuloy yung extensions ko
Hilda: Ay sorry naman hehehe yun pala yun. Pero mabalik tayo bakit ka nga happy kahit di ka pretty.
Ate2: paulit ulit? umayan ba to mare? Or bet mo lang iparinig sa iba pang pasahero?
Hilda: Che! di ka nga sumasagot eh! , kelangan pa ba iparinig? di pa ba nila nakita? ( insisting talaga si Hilda, palibhasa di rin kasi pretty)
Ate2: Ok lang naman kung di ka talaga binigyan ng angkin kagandahang pisikal.Ang mahalaga is kung ano ang nasa loob ng puso mo,may malinis kang konsensya,marunong ka magpapa kumbaba,at nandon ka lagi sa tama at umiiwas ka sa mali. And most of all awareness...dapat aware ka na di ka maganda. Para maka arte ka ng tama. Di gaya ng iba jan, yung ganda nila parang password... sila lang ang nakakakita at nakakaalam. pero kung umarte ayaw ko na lang mag salita ng hinde maganda. 
Hilda: wow ha! GMRC sa loob ng FX. Pero mars hirap ka rin ba tumingin sa mata ng ibang tao?  
Ate2: But why?
Hilda: Kasi pag look back nila, feeling mo may halong judgement agad.
Ate2: May judgement o wala, just be yourself. We are who we are. Di mo dapat intindihin ang judgement nila especially if wala ka namang ginawang bagay na ikaka judge mo, or di mo naman inapakan ang mga pag katao nila. Stay confident and kill them with humility. Just Smile genuinely.
Hilda: Thanks Mars, lakas maka good vibes ng payo mo. Feel ko na tuloy ang ganda ko... 

Tama naman si Ate2 diba, di naman talaga tayo dapat mag pa apekto sa mga bagay na sasabihin ng ibang tao sa atin, may it be with our physical looks or how we carry ourselves. Because at the end of the day, There's always a lesser and greater person within each of us. 


5 comments:

  1. lakas ng kutob ko mga kilala ko itong si Ate2 at Hilda LOLjk

    ReplyDelete
  2. hindi ako maka-relate sa story pero OA ang usapan nila sa FX...bakit hndi nila ginawa yan over coffee?

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. oo nga, di talaga basta basta dapat nag papa apekto sa sinasabi ng ibang tao basta lagi lang confident at humble thanks sa Pag bisita JM :)

      Delete