Utas... There's no better way to put how I felt last saturday. Uber sa dami ng mga tao sa Divine...Lahat na ng Iskwa-a at mga nakaka SS nandoon at nakipag siksikan upang makamura, makapanghipo,makapang asar at makapang -isnatch . Yeys ganun ka siksikan gums to gums talaga ang labanan from all walks of life.
All walks of life dahil sa parang tinaon nila na ang lahat ng lakad ng mga tao sa araw ng sabado at sa Divine ang G.E.B.. Apak dito apak doon, putik dito putik doon. Divi is the exact description of Maricel Soriano's Kaya kong abutin ang langit movie line " Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayaw ko ng mabaho! ayaw ko ng putik! " kahit gaano kaayaw ni Ate Maria sa mga bagay na ito... wala kang choice kundi ma experience this pag nag Divine ka.
So ayun lakad lakad, wisik wisik ng Evian para manatiling fresh ang Lowla nyo... ng biglang..may eksenadorang ate na nakikipag away sa Tindera ng Hungry Birds sa di kalayuang stand. (yes di kalayuan dahil siko lang ang pagitan ng bawat stand hehehehe) so I decided to stop and let my inner investigative reporting instinct take over(in short maki uzi)
Talakera:"Wala akong pakialam, ibalik mo sa akin ang pera ko! Ibalik mo sa akin ang pinaghirapan ko! Ibalik mo sa akin si JunJun! Ibalik mo sa akin si JunJun!Ibalik mo ang aaaah..."
(si ate nautal dahil sa matinding galit at irita na pinilit nyang levelan ang momentum ng idol nyang si Ate Vi sa pelikulang Paano ba Mangarap kaya na wrong line sya sa malditang tindera)
Malditang Tindera: Hoy miss anong Junjun pinag sasabi mo, tumigil ka maraming tao, wag kang gumawa ng eksena!
Talakera: Hoy ale and sabi mo sa akin young birds feather and laman ng stuff toy na to! pero hinde!!!! mga retaso ang laman!!!! Manloloko ka! Ibalik mo P35 ko!
Malditang Tindera: Hoy miss ang sabi mo sa akin kanina, kung para sa mga young ang stuff toy na yan at kung merong may feather!. At sinagot kita ng OO! at mga retaso? OO retaso na kung retaso... P35 lang yan at choosy ka pa? eh isa lang naman ang binili mo tinawaran mo ang 50 pesos kong turing at ibinaba mo ng 35 dahil sa wla kang barya sa limang daan! pero 34.50 lang ang ibinayad mo! dahil kulang ka din ng. 50 sentimo (in ferness kila ate ha detalyado silang mag sagutan, iniisip nila ang mga bagong audience na lumalapit sa stand para manatiling updated sa chika)
Talakera: eh di 34.50! ibalik mo sa akin ang 34.50 ko!
Malditang Tindera: Hoy miss, kung ibabalik mo yng paninda ko siguraduhin mong di butas at nasa matinong kondisyon pa! Eh butas na yang bina-balik mo eh.
Talakera: #&*$%#%$#%^^&^&^****!!!!! (dami pa talaga talak si ate at di ko na minabuting i transcribe dahil sa kaumay ang return and refund eksena sa isang maliit na stand)
Mema Lang: Alam naman natin na most often than not , anything bought cheap is of poor quality ... hinde ko naman din nilalahat ha meron din talagang good deals, best buys para sa magagaling na bargain hunters pero you won't find them in Divine. Saka kalowka si ate ... nag hanap talaga ng stuff toy na may young bird's feather sa Divisoria? Addict ka ba te?
After ilang minuto ng pakiki uzi ko ay nag decide n rin ako mag move on at makisabay sa saliw ng "thirty five... thirty five lahat ng bagay dito ay thirty five... thirty five, mura at maporma bagay sayo ganda! " sa bawat lipat ko ng stand ay di ko maiwasang mapa kanta at mapa indak sa beat ng jingle na ito! promise mapapa LSS ka sa kanya pag na rinig mo.
After ko ma memorized ang buong song at makagawa ng 150 renditions nakarating na ang lola nyo sa pamosang 168 mall. lakas maka something something ng 168 mall. bagay na bagay sa mga nag hahanap ng mga pang kris kringle. Ito na ang one stop shop para sa inyo...CD-R king of the Kris Kringler's.
- Something Fake (yes, they have it in Divi na rin... at di na lang sa Greenhills , LV, CELINE, Prada, Marc Jacobs, Laura Mercier and more to come)
- Something Hairy (mga wigs, false eye lashes, hair extensions and all)
- Something Broken (mga bagay na yung mga display lang ang ayos pag uwe mo ng bahay sira na!)
- Something Cheap(well all items are considered someting cheap)
- Something na sa Divine mo lang matatagpuan (green tea egg, hard boiled egg na sa green tea binoil at ang sabi ng tindera the tea is really expensive like more than a thousand ang isang kilo)
and then I felt something weird... something is not right... something is getting out uncontrollably...at napakanta na lang ako ng "this is a Fart of me... That you're never gonna ever take away from me" but wait... there's more! hinde lang hangin ang kumawala.. may kumapit at pilit na nakipag bonding sa akin. This is it! This is really is it!
So I asked hunhun to accompany me to the nearest pay lounge and I asked him to buy me undies as well... yes alam na! pero nagtanong pa rin sya kung bakit ."bakit? anong meron?"
So wala akong nagawa kundi i quote si Ate Vi muli sa pagkakatong ito...
Me as sister Stella L: "kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hinde ngayon, kailan pa? Gumora ka na now na!"
at walang anu anuman gumora na si hunhun para i-save ako sa malaking kahihiyan...
Ang moral lesson ng story? Always do an Ernalyn check before leaving the haws... Nabili mo ba ako ng gift?
ReplyDeletedi pa.. bibili pa lang.. :) yun na nga ang gift mo ha... yung para kay PadChita :)
ReplyDeletehahahha you never fail to make me laugh
ReplyDeleteay un na un? tsk
ReplyDelete@Señora ano ba wishlist mo? @Alea - Thanks Mars sa pag tawa... :)
ReplyDeleteMy wishlist:
Delete-Damit ni PadChita
-Wallet
-Pants
-Socks and Undies
hahaha. natawa namana ako sa ending nito. hindi sya expected. :) napaisip ako.. yun ba nag reason bakit dumeretso ka ng 168? hehehe
ReplyDeletehi Kotz, thanks for droppin' by...168 talaga ang pakay ko para mamili ng mga kung ano ano... at wala sa plano ko ang pagbili ng undies hahahaha...
Delete