Thursday, January 3, 2013

Pinaka Sad na Chika - Pa Blow Jobmuna



At ayun na nga... ang hirap pala mag maintain ng blog.. parang di ko na keri... parang nauutas na ako...

wala na akong maisulat kaya isusulat ko na lang ang pinaka nakakalokang chika...



Maari kong sulatin ang pinaka nakakalokang tula ngayong gabi

Magsulat ng chika kunwari : OA ang bilang ng stars ngayong gabi, ang stars wag ka !
more ningning from a distance at  kulay blue

OA ang falseto ng hangin in the sky at more sing 

ng shine bright like a diamonds
shine bright like a diamonds in the sky

Isusulat ko ang pinaka nakakalokang chika ngayong gabi

bet ko sya, at nabetan rin nya ako nung minsan

Sa mga gabing tulad nito, hinipo ko sya, pinisil,hinarass

ni liptulelay sa ilalim ng CR na walang hanggan

bet nya ako, at nabetan ko rin naman sya  nung minsan.

pero paano ko mabebetan  ang nakakalokang titig nya?  duling siya!

ngayong gabi. i chichika ko ang pinaka nakaka lokang chika

isiping lost na sya, feeling na na tegi na sya

dingin ang kalawakan na kajoin si Shaider ngunit wala sya

at ang mga chikang lost gaya ng pagka lost sa damuhan

ano ang reli if my love is empty

OA sa stars pero si Love ay wa-e

Yun lang...  Malayo, more sing lang... Malayo

na utas ang feeling pag wala sya

para maka join sya, more look lang  sa lost and found

more hanap sa mga  kapuso pero wa-e talaga sya

kami...  kami na hinde kami, ewan... hinde na kagaya ng dati

hinde ko na sya bet! sa true! pero uber bet ko sya!

sa piling ng iba, hmm...... alam ko ma bebetan rin sya ng iba

minsan ko syang ni liptulelay, ang boses, ang tindig, and duling nyang mga mata

di ko na sya bet, sa true, pero inlababo  ata ako sa kanya

short lang ang love pero ang  moments forever

dahil sa gabing gaya nitey,  ka join ko sya

kaluluwang ligaw ang peg ko pag wa-e sya

alam kong itey na ang huling dagok na iiwan nya

at itey  na rin ang pinaka nkakalokang chika ko para sa kanya

14 comments:

  1. hmmnnn... ang hirap palang maging matalinghaga at makatang beki noh...

    parang 'da who' sa startalk..

    d ko ma-gets... sino kaya inspirasyon jan!

    ReplyDelete
  2. Now this is a new idea in the literary scene. Poem in beki. Dapat magkaroon na ng ganyang genre or category.

    Although some would take it lightly, at hindi nila seseryosohin. pero matapos mabasa, at kahit wala ako masyadong naunawaan sa ilang parts, na gets ko din naman (more or less) ang context.

    Hindi pretentious, but daring at innovative. Hindi naman ako poetry fanatic. Dumaan naman din ako sa panahon na nagsulat din ako ng mga poems, in the traditional manner and traditional language.

    Pero wag nga natin mamaliitin ang mga bagong ideas. I remember Allen Ginsberg, the famous poet-beatnik. Noong na publish young poem niya na Howl, maraming nagsabi na walang literary depth at value. Indecent din dahil sa mga allusions niya sa homosexuality, crude description of sex and human nature, at siyempre, nagalit din kasi sila noon dahil gay din siya.

    After more than 30 years, tingnan mo nga naman. Mismong mga anak ng mga taong gusto siyang ilibing ng buhay eh binabasa na rin ang sinulat niya.

    I know nothing about Pablo Neruda's works. Madalas ko makita mga libro niya sa bookstore. Hindi rin ako masyadong inclined magbasa ng mga works ng South American writers. Sige tama na ang comment ko. Lumalabas na ang pagka nerdy ko. Hehehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. woah! na touched naman ako sa pag appreciate nyo ng Beki Poem ko Mr. Tripster. Ill try to make more of these nga...with readers like you sino ba naman ako para itigil ang mga kabaklaan ko whahahah. thanks for droppin by sir.

      Delete
  3. akala nung una hindi lang naproofread kaya paulet ulet style pala yun..nanibago ako sa pagiging makata..unang dalaw ko kasi dito eh yung beauty pageants ang nabasa ko hehe.. buti naman at may gfc ka kaya ni-follow na kita para naman updated ako sa mga chika mo ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oi aminin pinky nagetsung mo ang chikang ito kaya ni-follow mo hihihi.

      Delete
    2. salamat Pink Line sa pag follow at pag read. Madami pa akong chika kaya standby ka lang!

      Delete
  4. Wagi! shoot to the jar ang peg ng hanashi na ito nyahahaha.

    ReplyDelete
  5. ganito pala ang poem ng isang beking makata. ang galing! pero di ko talaga mapigilan tumawa habang binabasa ko yung kabuuan ng tula haha. ang kulet! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm glad natuwa ka Fiel..I just hope na naintindihan mo sya hahaha...

      Delete