Tuesday, January 8, 2013

Ang Mga Kalerking Trip ng Mga Bilat





Sho-es? Sho-es... at more Sho-es

gulong gulo ang mga otoko kung bakit may ganap sa pag iipon ng sapatos ang mga bilat, at halos lahat ng ito ay hindi masyadong nagagamit or hindi pa at all nagagamit. Pag otoko ka sapat lang ang meron kang sneakers pang kaswalan, desenteng leather shoes pag may okasyon, rubber shoes pang porma at pang basketball at mangilan ngilang filp flops. Halos lahat ng bilat bet mag ka sho-es ng lahat ng klase ng kulay at designs umi -Imelda ang peg at ito ang kinakaloka ng mga otoko. Di nila naiintindihan kung bakit di mapigilan ng mga bilat ang mga sapatos lalo na sa mga shoppingera na nakakaramdam ng need to shop for them sa twitwina at kelangan akma sa bawat okasyon ang bawat pares na mabibili nila. Bagkos ang magulo at masalimuot na sapatusan!


Bad Hair Day!

nakarining ka na ba ng otoko na kumuda ng BAD HAIR DAY sila? Siguro oo, pero di naman ganun kadalas. Unlike ng mga bilat na mas madalas ang bad hair day kesa sa maayos na hair day nila. Siguro 
marahil dahil na rin sa Rapunzel ang peg ng mga bilat at longer hair sila kay mas ma effort imeynteyn! Or pwede ring mas concern ang mga bilat sa hitsura nila over sa mga otoko.

Wait lang...Malapit na... Dyaan na...

Hinde mahalaga if nag mamadali ang mga bilat or hinde, alam ng mga lalaki na forever in a day ang pag aayos ng mga bilat kapag may lakad sila. Ito ay malamang na malamang na nangyayari sa bawat lakad nilang dalawa/ lalo na if mag bowa sila. Kailangan ay masanay na lang ang mga lalaki dahil walang chance na magbago sila! If ako sa inyo, i attempt nyo na rin ang pag babasa ng book, pag lalaro ng PSP/xbox or what have you habang more wait sa echuserang frog na bowa/. Malamang lokang loka pa sila sa pag hahanap ng isusuot/ pang terno sa bistida nila na bag / belt at shoes. Or pine perfect nila ang espasol sa mukha nila or nag titiss pa sila ng bangs. Madaming ganap bago matapos ang bilat... Need mong tapusin ang twilight saga para malaman na ito na ang hudyat na makakaalis na kayo.

Bakit laging may pila sa CR ng girls

naloloka na ba kayo na para sa twiwina ay may group activity ang mga girls sa CR? Anong ganap sa loob? why oh why? Sure ako na wa-eng otoko ang bet i join ang katabi nilang otoko for a CR trip at mag hoholding hands pa sila gaya ng mga bilat. Anong meron at bakit trip na trip ng mga bilat ang field trip sa CR?

Mga Posibleng Kadahilanan

1. Mas plenty, Mas SaFe
2. chika Minute, ito na ang time para i confirm ang mga nabuong conclusion ng isat isa tungkol sa mga ka date nila
3. Para may kachika habang more wait sa mga bilat na kagaya nila ng trip
4. Tumambay at Maka chika ang iba pang mga bilat


Bakit nag huhurementado ang mga bilat sa Toilet Seat?

Aminin nyo, hinde naman lahat ng otoko is sing choosy at sing partikular ng mga bilat at isa na rito ang toilet seat. Most girls wit bet ang nakataas na toilet seat. Dapat laging nakababa ito when not in use. feeling nila mas magandang tignan pag nakababa at syempre more upo rin sila dito para tumambay at kausapin ang kanilang mga konsensya. Wala naman talagang masyadong paki ang mga otoko sa mga ganitong ka trivial na bagay  pero para lang din mas maging maayos at peaceful ang samahan, maayong ibalik na lang natin matapos natin itong gamitin at pwede bang wag natin itong ihian? i shoot ng mabuti sa bowl ng di namamanghe at kapaligiran.


Bakit di ka nag tetext!

Ito na marahil ang isa sa mga complains na narerecieve ng mga otoko na mayat mayang kinukulit ng mga stariray nilang gelay. 

Anong drama pag wae text si otoko sa bowa nya? Di ba nila naiisip na pwedeng busy, nasa jeep or bus ka, dead batt ka or dead ka na talaga... pero isa lang ang masasabi ko kung bakit ganyan kakukulit ang mga bilat Bet lang kasi nila na i re-assure sila sa twi-twina na ok sa olryt ang relationship nyo... if wa-e text si otoko... this means war... hinde... hinde naman sa ganun... syempre kung ano anong chika ang papasok sa malikot na mundo ng bilat...at syempre laging worst ang maiisip nya Di nya lang alam na she/herself is her worst enemy hehehehe.

Pwede kang mag dahilan pero ganun din, di naman nya masyadong papaniwalaan ito... ang mabuti pa is bonggahan na lang ng mga otoko ang pagiging sweetness at icheck sya sa twina if keri ng skedyul... 


So ilan lamang itey sa mga nakakapagpabagabag at tumitiliro sa simpleng isipan ng mga otoko... Ikaw anong nakakapagpabagabag sayo?

7 comments:

  1. Matagal talaga magbihis ang mga babae >_<

    ReplyDelete
  2. babaeng babae ka ba sa post na ito o dati kang lalaki?

    ReplyDelete
  3. yung totoo okray ka ba kasi karampahan mo ang mga lashie oh dati mong giep iters hihihihi.

    ReplyDelete
  4. may malaking tama ito! ehehehe

    ReplyDelete
  5. ahaha, ang dami kong tawa dun sa kung bakit mahaba lagi ang pila sa cr ng mga girls. natural na talaga siguro sa kanila ang ganun, 10 years bago maka ihi ahaha pati sa pag-aayos ng sarili (based sa nakikita ko sa kapatid kong babae before sya pumasok sa work... ang haba ng seremonyas ahaha)

    ReplyDelete
  6. Isa pang pansin ko sa mga girls, minsan magkakaibigan sila pero malalaman mo magkakagalit pala. Bwahaha.

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete