Wednesday, January 2, 2013

BONA!




Happy New Year mga readers... I know bilang na bilang lang kayo 

sa mga Daliri ni E.T. pero ganun pa man, nais ko pa ring bumati.

LOLZ...And there you have it, go na read na sa baba. PAK!

Di ito isang review ng Pelikula ni Ate Guy... Kaya kung ikaw ay isa sa laksa-laksang Noranian at nag nanais magbasa ng something about sa super-istar ng buhay mo... well nabigo ka... Ganun pa man ipagpatuloy mo na rin ang pagbabasa... dahil sing lagkit ng mga eksena sa Bona ang chikang ito. Isa itong patotoo... Chos! walang ganun... di pa ako nabobona sa tanang buhay ko. 

Bona (bn) - i-klik para malaman ang tamang bigkas at tamang baybay

Isang gabi sa di kalayuan bayan ng Sirineya may isang baklang hamog ang nakaramdam ng kati... kating nakakapangilabot... kating di kinaya ng isang drum na caladryl at kamot ng dragon. Lumabas si BH (Baklang Hamog) gamit ang kanyang Kepayla Shorts at Taras na buhok.Alam ni BH na ang bawat hampas ng balakang nyang may palamang pot holder ay nag sisilbing barker para sa mga lalaking salat sa JerJer. Sinugarado ni BH na di lang tig-isa ang palaman nyang Pot Holder sa magkabilang pisngi ng kanyang hips. Mas malaki mas confirm,  mas may kurba mas agaw atensyon. 

Nag simula ang hitad sa pag rampa. Lakad dito, lakad doon , buntong hininga , ayos ng buhok, kapa ng ipit para ma assure na tulog pa rin ang sanggol. Matapos maikot ni BH ang Awrowra ng higit pa sa haba ng Nile River...Ang ending ...ngalay na ngalay ang legs niya at nahinog na halos ang mangga sa mga hita nya...Pa give up na si BH sa gabing iyon, ngunit wag ka! may palapit na isang otoko...

Madating, may porma, may tindig at higit sa lahat amoy lalaki... 
lalong nangati si BH...nanginig ang laman at bumula ang bibig. 

Nilapitan sya ng otoko...at wala syang kamalay malay ng biglang
bumulaga ang kamao ng otoko sa bilugan ng fes...  natuliro ang baklang hamog at di nya alam kung ano ang uunahin nya ang pag aayos ng sangol na lumabas sa pagitan ng hita nya or ang kumaripas ng takbo dahil sa orkot na ma TKO sya ng otoko. Dito na confirm ang acting prowess ni BH dahil isinabuhay nya ang pag dausdos pababa habang nakakapit ang kamay sa pader plus luha at nginig labi tila isusumpa sya ni LT dito dahil mas binigyan nya ng justice ang school of acting ni Lorna T. ...

Ending umuwing pasaan ang baklang hamog...



15 comments:

  1. sino si BH???

    Nakakaintriga at nakaka-relate rin...

    Funny pero sana mas mahaba pa at may iba pang mga stories na hango sa mga karanasan mo!!!! bwahahah

    ReplyDelete
  2. May disclaimer na po pala at paglilinaw na hindi po kayo si BH. Very funny kahit najombag si BH, ano yung otoko? Napadaan lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa pag daan Anthony dalasan mo na ha hehehe...

      Delete
  3. nyahahaha natatawa ako sa ialang patong na kadera! luz valdez si BH waing aurora boulevard hihihi.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa true... bulabog talaga si BH sa pangyayaring ito...

      Delete
    2. nyahaha lurx na na boggie wonderland sya :)

      Delete
  4. Hahaha! naaliw naman ako dito.... mukhang mag eenjoy ako dito...

    Thanks sa pagbisita sa blog ko.... ^^ keep on posting ^^

    smile smile lagi...

    Talagang nabulabog si BH hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Sir JonDmur... tama smile smile nga kasi kakapa luha mo lang sa akin.. heheheh

      Delete
  5. Hala kaya pala sick leave ka last month. Eto ba yun? LOL jk. Tama si Senyor damihan mo pa! We want more!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well may sakit lang talaga ako last month. At di dahil pasaan ang mukha ko whahahaa.

      Delete