Sa isang sulok ng bahay ni Amy sa gitna ng iswaters area nandoon ang mga Tsinelas boys at ang inyong lingkod.Nag huhuntahan ng malala tungkol sa kani-kanilang buhay.
Matagal tagal ring niyaya ng mga tsinelas boys ang inyong lingkod para makipag nomohan ngunit dahil sa kabusyhan ng aking skedyul at maya't maya ang pamamakyaw ng mga customers, kaya maya't maya rin ang pag OOT ko para umigsena at mag tali ng Fresh na Longganisang with pang angkat quality ay mas madalas na ma-ekis ko ang mga offers nila.
Hinde naman dahil sa alam kong Peso Sign ang tingin nila sa Pez ko or dahil sa choosy pa ako sa mga batang ito. It's just that busy lang talaga ako... Pero ngayon na marami raming bagong luwas ng Maynila.. Marami ang may need ng part time job kaya maraming pwedeng hatakin para maging reliever sa aking iiwanang workangkong. At nag start na nga ang kwentuhan sa kalagitnaan ng pag nonomohan.
Rico: Madamme- bergin ka pa ba?
Baronesa: Ahmm... OO!
Rico and the rest of the Tsinelas Boys: hinde nga? weeeh? patawa? ewan ko sau Madamme!
Baronesa: Nyeta ka Rico ha... mag tatanong ka tapos di ka maniniwala eh sa oo nga.
Rico: Ok fine! Bergin ka na po madamme heheheh... pero matanong ko lang... kelan mo nalamang ano ka?
Baronesa: Ano ako? ha? di ko ma gets?
Rico: Ano ka, like uhmm ganyan ka?
at ito ang aking naging mahabang tugon, na ikina orlogs ng ilang manginginom ng gabing iyon.
Baronesa: ah... kelan ko nalamang di ako tunay na lalaki? yun lang pla di mo pa ma deretso hehehhe... Actually , di ko rin alam kung kelan, di ko na matandaan. Sa case ko kasi parang di ako dumaan sa panahon na... na confused pa ako sa kasarian ko. parang dre-dretso na ako sa pagiging lalaki na nag kakagusto sa kapwa lalaki. Parang kayo rin, since masasabi ko na mga tunay kayong lalaki... diba hinde nyo na rin naman alam kung kelan kayo huling nagkagusto sa babae, dahil sa babae lang naman talaga kayo nag kagusto at nag kakagusto. Ganun lang yun. Well para sa akin, di ko na problema ang aking kasarian dahil naniniwala ako na hinde ko naman nilalabag ang anumang karapatang pantao nino man. Ang hangad ko lang ay mamuhay ng malaya ng naayon sa tama at sa aking kagustuhan at eto ay yung hinde nakarehas,denumero,kontrolado,robot robotan.
Hinde ko hinhiling na intindihin ng mga tao ang kakaibang trip ko sa buhay, ang nais ko lang ay hayaan nila ako ng maipahayag ko ng malaya ang aking bawat saloobin ng walang halong pang huhusga,pangungutya at kung ano pang mga pula. Dapat ay walang double standards, dahil lahat ay may free will, kanya kanyang bet yan... walang basagan ng trip Ganun... Rico? Rico!!!! At isang mahabang hilik ang intinugon sa akin ni Rico.
at ayun nakatulog silang lahat ng mahimbing sa halos isang oras kong kasagutan sa isang simpleng katanungan...
ikaw sure ka na ba sa kasarian mo? Kumunsulta sa Kinsey Scale na matatagpuan below:
Take the TEST ng magka alaman na! Pero if di keri, wag ng mag abala patuloy lang na magtago sa closeta ni Dora, dahil ang gusto ko ay Happy ka in short GAY ka lolz...clik clik clik.
if itatanong nyo bakit tsinelas boys ang bansag sa kanila... well kilala lang naman silang tirador ng mga tsinelas... aatak sila ng mga nakayapak sa inyong balur at uuwe na ng naka tsinelas... saan ka pa!
Natawa ako, pang SONA pa naman ang speech mo! HAHAHAH!
ReplyDeleteTalagang balot na balot pag 0? HAHAH! Dun ako sa 6! NYAHAHAH! walang saplot! kapit lang ng kapit kahit kanino! lol
yey... 6 ka pala ha... kauri! wahahaha
Deletewow... kaya pala nauubos ang tsinelas sa bahay madam...
ReplyDeleteactually, sinelas ng kapitbahay natin ang nauubos dahil sila ang may pakalat kalat na sinelas... whahaha
Deletesa huli ako bet na bet ko ... waaaah may classification talaga .. oi bakla new follower mo na ako!
ReplyDeletesalamat sa pag follow madam!
Deletewaah, pang Miss Universe ang sagot :D
ReplyDeletehangkulet nung Tsinelas boys lols!
Dapat! I thank you!
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteKala ko kung anong tsinelas. bakya pala. dyuk!
ReplyDeleteMadame pwede po ba akong sumide line sa inyo. Mahigpit na pangangailangan lang po. dyuk!
sige halika dto...
DeleteVery well said candidate 19 :) Sometimes, straight guys have to hear that. It's not that you have to explain to everyone, pero paminsan-minsan masarap din kudaan ang mga tao para maliwanagan.
ReplyDeleteSa true... tho minsan kapagod mag paliwanag sa mga taong sarado ang isip...
DeleteEto na lang siguro ang iiwan kong comment: NOTED. Usually mahaba ang mga comments ko, pero sa pagkakataong ito eh maikli na lang. Dahil baka makapag comment ako na mahigit pa sa 10-page A4 document. May thesis ako regarding sa issue na ito. Hindi ko pa rin na disclose sa aming circle yung research paper ko. Ongoing pa rin ang pag-aaral sa nasabing paksa. Gusto ko kasi magkagulo at maging notorious ako kapag na release yun kaya pinaghahandaan. hahaha! Epal lang!
ReplyDeleteAt your service Madam Baroness, the Count of Florentines needs to go...
i release na yan! gusto ko na masaksihan ang pagiging notoryus mo Mr. Tripster! Siguro is kang homophobe! j/k... whahaha
DeleteAhahaha! No. I only have the fear of committing grammatical errors at jejemonism. hahaha! Joke! Hindi naman. Deacon kasi ako ng isang protestant church, but my position on such issue would be controversial either for the church or for the gay community, well, at least sa same-sex marriage issue lang. But let's not talk about social issues here. Trip mo ito, ayoko mambasag ng trip ng iba.
Delete