Thursday, December 13, 2012

Doray the Exploder


Si Doray ang mudang ni Sasa. Gaya ng anak nyang si Sasa wala ring panahong magpasabog si Doray.

Pasabog Checklist ü ü ü

Reli- ü
Eksena- ü
Outfit – ü
Ati-tud – ü

So far pasok sa banga ang pasabog checklist ni Dora at infairness, nag crack ang banga sa laki ni Doray. Masasabi ko na isa si Doray sa pinakamabait na tao na nakilala ko. Mapagmahal na ina,asawa,kaibigan,kapatid,anak at amo. Pero wag ka, isa rin si Doray sa pinakabaliw na taong na meet ko sa labas ng Mandaluyong.

Eksena sa Mall - Outfit (Gold Shades, Pink Lipstick,tamang powder + Uber kapal na blush on,Mini Dress at Ugg Boots)

Promodizer busy-busyhan sa pag dedemo ng amazing cutter, watch si Doray kasama ng iba pang audience na amazed na amazed sa power ng amazing cutter!
Doray: Miss magkano to? (pointing to the Talong, demo product)
Promodizer: Uhhm, mam di po namin binebenta yan 
Doray: Ah ganun ba? sorry hehehe
Amazed Audience-kasi naman nakita ng yung cutter ang dinedemo ano ano pa tinatanong eh
Doray: Hoy! ikaw ba tinatanong ko? pakelemera ka! Eh kung ipakain ko sayo tong talong na to? (habang dinudunggol dungol sa fes ng na startled na bilat)
Amazed Audience:(nganga for a few seconds and then... blurted out)Eh kasi naman nanonood yung tao ng demo nanggugulo ka! 
Damang dama ko ang irita ni ate sa tone ng voice nya, may nginig at may poot!
Doray: And so? customer din ako bakit ba? at saka bakit? kilala mo ba ako? ha! kilala mo ba ako?!
Amazed Audience/Shocked Audience-ha...ah.. hinde... bakit sino ka ba?
Doray: Ako si Doray! At ikaw si chaka!

Sabay exit...hinatak na sya palayo ni Mayora dahil baka ma itry ni Doray ang amazing cutter sa pez ni ate at ma SOCO ng di oras si Doray.

Di naman nature ni Doray ang pala away, ayaw nya lang ng may ng babasag ng trip nya. At wagka... di pa nakatikim ng kung ano mang droga si Doray. Isa sya sa mangilan ngilang tao na kilala ko na may natural na tama, may natural na saltik, according kay Mayora marahil epekto ito ng pagkakaroon ng tipus ni Doray nung sya ay musmos pa lamang. Yeys, na tipus at na polio si Doray nung kabataan. Kaya ang legs nya, makinis,maputi, walang buhok ngunit,subalit, datapwat ito ay di pantay!Pero maswerte p rin si Doray dahil di sya na IMBA... pantay ang lakad nya despite na di pantay ang laki ng legs nya! Simply Amazing right? 

Eksena sa Balurya/Babae sa Bintana
Joanna(Bowa ni Doray: wag ka ngang magwala... naririnig tayo ng mga kapitbahay...
Doray: Eh ano kung marinig tayo ng mga tao, pinalalamon ba nila tayo? ha? ikaw tong pinakakain ko.. pero ayaw mo ng Menudo!  Menudo kong may garbansos! Punyeta ka itatapon ko talaga lahat to... 
sabay tapon ng bagong lutong Menudo na may garbansos sa basurahan...
Joanna:Bakit mo tinapon? 
Doray: Eh ayaw mong kainin diba? ayaw mo diba! diba!(ng may mamataan si Doray na usisero sa bintana at feel na feel ang panonood ng live telecast ng Garbansos Serye) Hoy putang ina mo ka! ano tinitingin tingin mo dyan! wala kang magawa! chismoso ka! Putang ina mo ka!
Joanna: halika na, wag kang mag iskandalo dyan! 
walang ka abog abog at ni walang parental guidance advisory na naganap umakyat ng bintana at inilabas ni Doray ang bubey nya at humarap sa mga usiserong kapitbahay...
Doray:Iskandalo? o ayan.. ma iskandalo tayo!(habang patuloy winawagayway ang walang kamalay malay nyang bubey)
Hinatak pababa ng bintana ni Joanna si Doray para maiwasan ang malawakang exposure nila Julio at Julia ang kambal ng bintana sabay close ng pinilakang tabing.


Bukod sa mga baliw baliwang arte ni Doray marami-rami na ring quotable quotes na naipundar si Doray sa mundo ng katatawanan.
Nariyan ang mga Kakaibang status updates ni Doray.

Doray's Status Updates:
1. My sister is arrived!
2. My last sweet memories from my dad... I love you dad I will cherries those moments we have together...
3. Dad may you rest and PEACE!
4. Di na makapag antay dinilaan na! (caption ng picture nya habang naka dila sa cake... )
5. Di naman pala masarap ang Magnun

Marami pang aliw moments na iniwan si Doray bago sya mangibang bayan para hanapin ang kanyang kapalaran. Si Doray ay isa ng ganap  na performer sa kawalan ng Malaysia.
























No comments:

Post a Comment