Friday, December 7, 2012

Kwentong Longganisa



Well well well, look do we have here? Stressed akey dahil uber traffikey na naman sa
kamaynilaan. Umalis ako ng balurya alas syete impunto sa paniniguradong wiz akey ma leleyt
sa workangkong kong mahal.Ngunit , bagamat, datapwat, subalit!  na leyt pa rin ang lola nyo. Uber haba na nga ng traffikey mayat maya pa sa pag Kakat deluna ang mga MMDA... homaygash lang talaga debah.


Heniways nakarating naman ako ng buo at fresh , sing fresh ng longganisang ginagawa ko.Bukod sa nagulat ako dahil sa di ako na advised na sa isang milenyong allowance na pala ang dapat i alot para sa traffikey na dati rati'y 40 years na pag aantay lang, but now? you know huwat...

I have died everyday waiting for Christina Peri's thousand years para lang makarating sa dapat kong paroonan. at dahil nga traffic dinatnan kong wala ring utaw dtey sa factory ng longganisa , Nagmistulang November 1 muli at tila ghost town ditey! wala ang lahat... as in wala ... ultimo si Mosang na tiga bilad ng bituka for the longganisa wrapper ay wae.Syempre wae ang mga usual suspects na sina PG at si Eya. Wae rin si Damulag, Si Koko, si Kariton at Si Kampanerang Kugah even ang kapatid ni Angelica Panganiban ay wae.


Nanadya ba sila? lagi na lang ako! puro n lang ako. At sa pag eemote kong ito  Di ko namalayan na may mga luhang nangingilid sa aking eyesung  at biglang patak kasabay ng korus ng kanta ni Ate Shashing ...  ♪♪♫♪♫♪ were all alone... were all alone ♪♫....sa sobrang feel na feel  ko ang ay di ko namalayang uber higpit na pala ng pagkakabuhol ko sa unang dosena ng longganisang  aking itinatali at sine set aside
Ng biglang…



Sumabog  sya sa pes ko! Ewwws! Nalulon ko ang isang tumpok ng taba mula sa giniling na karneng pinilit kong pagkasyahin sa loob ng tuyong bituka. Sheyt lang talaga. Sa di inaasahang pagkakataon, lumapit si Crushie na walang ka clue clue kung ano ang nagaganap… ang latest na balita for him is ang pag panaw ni Comedy King some 5 months ago, Yeys  kung anong kina gwapo ni crushie ay sya namang kina slow nya… and he asked  if may alam akong gamot sa pigsa.  At dahil nga sa aligaga pa ako , napaoo na lang ako at napa smile at nagsabing ittxt ko na lang sa kanya…

At bago nya lisanin ang 4 na sulok ng entabladong aking kinatatayuan, nag iwan sya ng isang makapanibagong  buhay na statement, “Oily Skin ka no? “ sabay exit…


Crushie bakit ganun! Pag may talsik ng giniling sa mukha at may taba ng baboy  sa  bibig Oily skin na agad? Di ba pwedeng  naka moisturizer muna? Or may bagong beauty regimen na trina-try…and I quote Krissy Kalerqui “inaamin ko… na offend ako Tito Boy!".


Kayo guys may alam ba kayong gamot sa pigsa?


  

9 comments:

  1. Wow ah. Nung una kong nakita ang title akala ko eh tungkol sa sex life mo itong post LOL

    ReplyDelete
  2. at bkit naman @Glentot mukhang nanggaling ba sa waputra ko ang mga longganisang yanchay! hahahaha

    ReplyDelete
  3. I was laughing to myself over this witty and cynical article. But then again...who am I on the list? New low. Hmmm.

    ReplyDelete
  4. iba na pala lumalabas sa longganisa ngayon na tinitira sa mukha! Bwahahaha :-) Lolers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala trulagen na longganisa yun no... at sapat lang na giniling ang ilabas nya... hahaha

      Delete
  5. dahan-dahan lang sa pagbuhol lang longganisa mo.. lol! hahaha.

    ReplyDelete