Showing posts with label gaylingo. Show all posts
Showing posts with label gaylingo. Show all posts
Friday, August 9, 2013
Super Sireyna Grand Coronation
Labels:
francine garcia,
francine garcia scandal,
gaylingo,
gayspeak,
humor,
joke,
kabaklaan,
kakatawa,
kasabihan,
kowts,
ladyboys,
salitang bakla,
scandal,
senti,
silver ARENA,
super sireyna,
Supersireyna,
tsinelas
Thursday, January 10, 2013
Be Becky Vavajee
Alam ko wit itey ang 1st time nyong ma hihearsung ang mga terms and all about the bekispeak na ginagamit ko sa blog na itey so para mas mapadali ang buhay ninyo I made a Beksyonary para naman mas lumawak pa ang baklabulary nyo..
Aurora Blvd,Aurora Halili- tambayan ng mga bet maka hala, Emote ng beking may bet na kuya
Gloria Romero - Beking walang sawang umiikot sa area at di titigil sa pag roroam hanggang walang nakukuhang biktima
Rowena - Si Rowena ang babaeng tatawag sayo pag wala kang nakuhang matinong aura sa pag rampa mo... in short Zero!
Nemola,Namesung,Syungalan,Cynthia - Name,Sino, Sino Sya
Coco- kokonti na lang ang hair, bilang na bilang ang attendance ng hair sa follicles ng ulo ni Mam or Sir
Kyowag- Calls
GGSS- Gandang Ganda sa Sarili
Aleli,Kat-Kat,- Alila, katulong
Witchelles,Witchikik,wititit,wae- hinde,wala
GL Card - Card na ginagamit para mka aura ng libre... Ganda Lang ang puhunan
Mumu - mumurahin
Nakaka LL- Nkaka luwag luwag
Nkaka SS, Gym Body - Nakaka sikip, Pabigat!
Korina Sanchez- Kuripot, wae bet mag ambag sa twina, pero kung makikain wagas... sing laki ng pez ni Kurina ang kakapalan
Festival Mall - Mukha, Face
Wally- Wa leeg, para sa mga obis na kagaya keij na nalost na ang leeg dahil sa kaubisan
Lili and GiGi not GG ok?- Nanlilimahid at ng gigitata
Ate Vi- Atribida, Ma papel
Dual Citizen - Mapapel at Plastic
Egyptian Airlines - Jeep
Kyota Kinabalu - Bata, teeny boppers
Boy Band - Lalaking sintaba ng baboy
GG- Jiji e-ra, gawa-gawang chika, mga talak na di makatotohanan
Erna - Di mo bet ang amoy nitey. Kaya gagamitin ko na lang sa sentence... Te... ma kyoho... naka apak ka ba ng erna? So alam na?
Imbey - Imbyerna, Irita, Pika
Eme- Eme - Eni Eni lang
Kusay/Smellanie Marquez- Amoy ng Erna
Papaitan/Uranus - Eto ay labasan ng Erna
Syupatembang - kapatid kagaya din ng Sisteraka
Otoko, Hombre - lalaki
Merli, Merlat, Bilat - Babae
Higad - kelangan pa bang imemorize yan?
Moonique - Aura ni Friendship na medyo may extrang inch ang baba, na nag mimistulang moon pag nka side view
Sea Man - Aura ni friendship na mukhang Sea Monster at may kakila kilabot na PEZ
Hagrid - Aura ni friendship na mukhang bakulaw sa laki
Thru the FIRE - Aura ni Friendship na ang peg ay Si Chaka Khan
Hale Berry - Halitosis to the Nth Level
Maggie - Magilagid, gums to gums ang labanan
Dina M - Dina Masama, OK na rin, pwede na
True or False/Jollibee/Nyostises - nandito ang saya.. at pag wae nito wae ka rin maka laugh ng bongga, Ikaw na ang magtanong ng mahiwagang tanong... Is that true or false? ... Teeth?
BudJey,Okane,Manilyn - Pera
TiFFany - Baklang nag titipid dahil kinulang na ang budJey
Getlak/Ginetlak - Kuha
Tegi,Tegras,Syutay - Ginetlak na ni Lord at nsa UK down under na...
Bibora- Sidekick ni Valentina na walang kasing daldal... at pag beki ka... at wala kang humpay chumika... BIBORA ka!
MerMer- Na Memera/Opportunista mga taong tubong Alaska
Fransya - Hinde ito ang tagalog ng Bansang Pranses kundi ito ay ang mga taong may kakaibang sapak... mga baliw...
Bona - uri ng pag niniig ng dalawang nilalang
Bayembang/Bayis/Bali Indonesia - ito ay ang pag tats sa sarili sa saliw ng awitin ni Mama Celine Dion All by my self...
Balaj - balahura
Matmat/Matud/- Nag mamay ari ng kamay ni Hilda, mga tulisan, mga gumigetlak ng mga bagay na di kanila at finders keepers ang motto nila...
As you know laksa laksang mga salita ang pinapa andar ng mga sang kabadingan at di nila bet na nag mamainstream ang mga ito, kaya patuloy ang pag evolve ng mga salita mabilis pa sa las kwatro at mas marami pa sa bilang ng pokemons...
Thursday, December 6, 2012
Mga Uri ng Friends
Mema - I dunno if its just me or it is just me lolz, Merong mga taong mapam push ng limit...limit...over the border line ... border line...I think I'm going to lose my mind... yung tipong naiirita ka na dahil sa uber mema ng kausap mo. Bawat hirit mema... bawat period mema.Isa sya sa mga Kuya Kim ang Peg at Nag take ng advance studies ng Memanics at Memathology. Pero so far lahat ng taong nakilala kong mema is may pagka harmless naman. Mabait sila, nature nila yun kaya minsan kahit na gusto mong mairita... oo ka na lang oo. ”Oo, Ate! Oo, Ate… Puro na lang ako oo, Ate! Para akong manikang de susi!”. Sabay slap sa fez ng friendship mong mema. Chos! syempre nga hinde mo papatulan kasi nga uber babait nila
:). Pero may mangilan ngilan din na di mo i-aatempt mag open ng discussion o ultimo mag
small talk dahil kapagod gums si kuya...Merese ng mapanis ang laway mo sa pag nganga kesa sa kausapin mo sya! Dahil pag di ka nag pigil, lagot ka.. bula bula bibig yan!
Havey - Ito yung mga taong bet mong kasama sa twina... mga kwela, mga bungisngisin, ika nga " No dull moment" dahil sa taba ng mga utak nila definitely they are not dull. They are so
sharp! Oo sharp nga ang mga dila nila, most of the time ay nakakatuwa sila and at the same
time nkaka offend sila! Pero dedma na ang mahalaga is happy ang barkada. Sarap maka good vibes ng mga Havey kasi sila yung taong swak! di pilit, di rehearsed mga baklang naturalesa.
GGSS - Sila yung mga taong aleli ng mga Doktor (see Narsisa). Bawat kibo harap sa salamin,
bawat lakad hanap ng salamin. Ito yung mga taong di mo alam saan humuhugot ng confidence sa katawan. Di naman kagandahan, kakinisan,kaputian at kayamanan pero kung maka arte hala! mahihiya ang ginginvitis sa pagdurugo ng gums mo sa mga salitang lalabas sa bibig nila.
EG:
GGSS: "lakas mka good vibes nung crush ko... sabi nya sa akin... Mas cute ka pala in person!" yun na! di man lang nahiya sa beywang nyang size 44 at sa pez nyang gamunggo oo gamunggong ganda lang ang pwede mong makita, dahil wa-e talaga.
Nganga - Yey! Sila yung unang buka pa lang ng bibig alam na! Alam na , wa-e sustansyang magegetlak sa kanila. More smile lang sila, more hawi ng bangs, konting purse ng lips and there you have it ladies and gentlemen. pasalamat na lang talaga kasi majority sa kanila is may angking ganda, kaya di na rin masama at least they are not an eyesore.
Forever Young - Sila yung mga late 40s na pero maliksi pa sa garapatang gutom. Rampa dito , rampa doon, Awra dito awra doon. Walang pagod! At ina achieve pa ang mga looks na shaved hair with tribal infusion. Kasuka! bakit kuya? bakit!!!! pabayaan mo sa mga teenager ang ganyang look at wag sayo.
LABLABLAB - sila yung mga taong bet lang... wala kang hanash...dahil uber linis ng kalooban ,walang bahid dungis. pag may nasabi kang di maganda about him/her feeling mo napakasama mo na. Pero uber konti lang nila at parang wala nga akong kilalang kagaya nila hahaha.. ikaw ba meron kang kilalang ganyan?
Bet na Bet! - Eto yung mga taong bet na bet mag pa GL... mga batang alaska... walang inatupag kundi ang mag pa libre, mang gastas... minsan masusuka ka na sa kanila kasi wlang ibang bukang bibig kundi "libre mo ako ha". Ok lang naman ang maging mapag bigay at man libre paminsan minsan pero wag naman yung gawing hobby ang pag papalibre...pero minsan eto ang mga trip na trip ka join ng mga paandar... kasi join lang ng join ang mga bet na bet together with mga baklang hamog at madamme na madamme naman ang PEG ng paandar kahit 5 balot lang ng kanton ang na i GL nya.
GG - Sila yung mga taong di mo alam kung bakit may pangangailangang manlinlang.
Halimbawa:
Ernalyn - "Mars ang ganda naman ng blouse mo..."
Germalyn - "totoo ba? , sige mars hayaan mo pag nag sale ulit sa MANGOE ibubuyla kita!" habang, sa lahat ng panahon OPM ang drama ni Mama , di na lang mag thank you sa bati.. may need pa talagang man GG!, GiniGi na si Ernalyn na Mangoe ang blouse nya, GiniGi pa na I GGL sya...kaya kayo beware!
Madam - "ay wala..., hinde puwede eh, kulang pa sa akin ito" eto ang normal na linya ng mga taong madam. Sila ang mga taong walang kamalay malay na nakakakurot sa puso ng mga taong maramdamin... Sila yung mga taong walang bahid na mag attempt ng GG offer para lang masabing nag offer.
MEMA LANG - (ang GG offer ay isa sa mga katangiang Pilipino na kadalasang ginagawa kapag tayo ay kumakain )
Halimbawa:
Baklang Hamog: "meym, kain tayo?..."(This is a GG Offer)
Madamme: "thanks , di ko bet.. busog pa akis..." (ito ang hirit ng mga taong classy at di lumaking PG)
Baklang Hamog: "meym, keri lang plenty to for all of us... look..."(hinati ni beki ang tinapay at napuno ang isang dosenang basket) may magic si bakla hahahaha... ( a second attempt in asking you to join them in their meal is mostly a genuine offer, so keri lang i grab..)
so alam na? ok move on na tayo jan... so ang mga madam ay mga taong pinag kaitan ng lahat ng bagay nung mga bata pa sila... mga batang sabik, 1st timer, gutom na gutom, deprived! oo lahat ng nega nasa taong madam, kaya ikaw wag mo ng i-attempt mang madam!
Aliw - Mga baklang mistulang adiktus dahil sa kakaibang trip sa buhay. Kahit na gaano ka eni eni ang pinag sasabi nila, super happy sila kasama.Sila ang mga baklang walang katapusan kung mag pasabog. Basta hakot sila sa Aliw awards sa twina.Kahit ano ipagawa mo sunod lang ng sunod. Di ko alam if hangin na lang ba ang laman ng utak nila dahil sa kakaibang pananaw nila sa buhay Or sadyang bet lang nila mag ansya ansyahan... trip trip lang, walang basagan.
Shalani - Sweet at Syala sila yung mga taong likas ang pag papaandar. Pero subtle lang. Walang halong yabang, walang halong sumbat. Gusto lang nila is everybody happy. Naniniwala sila na ang lahat ng sobra ay masama. kaya binabawasan nila ang sobra sa yaman nila at pinamumudmod sa mga baklang hamog. Ang bet ni Shalani ay chill chill lang, cowboy ang peg. Bet nya jumoin both sa mga nkaka LL at nkaka SS. Dahil bet lang nya at walang kung ano mang dahilan. Pag kay shalani, di lahat ng bagay dapat may paliwanag kahit wala keri lang.
Eksena sa ilalim ng dagat:
Baklang Hamog to Shalani: Pengeng Pera!
Sahalani: I got twenty...But who cares?, No Big Deal...
Baklang Hamog: I want more...
Shalani: Go.
Ganyan kabilis kausap si Shalani, mabilis pa sa blink ang decision making nya.
Paandar - Mabilis pa sa alas singko kung umiksena. Sila yung mga taong pilit pinapantayan ang estado ng mga Shalani. eksenadora sa twina, kung si Shalani ay subtle lang, ang mga Paandar ay More More More at Much Much Much...di bale ng magutom at mangutang si Paandar basta maka eksena lang. The best katandem ng mga baklang bet na bet.
Si Eve - Si Eve ay ang baklang itinakda! ang bida kontrabida. Lahat ng usapan ay tugkol dapat sa kanya. Bet na bet nya ang mga chikang all about eve dahil sa sya ang bida. Kahit anong tema ng usapan di mag mimintis at maisisingit ni Eve ang sarili nya ng walang ka effort effort. Si Eve na nga talaga, sya na nga... at sya lang talaga.
Hanashi - Sila ang mga taong, walang magandang sasabihin sayo o sa kapwa nila. Lahat na lang ikinu complain. Bakit eyebag ang tawag sa itim s ilalim ng mata, habang wala namang ganitong model ang SECOSANA. Bakit ka pangit? "kung di ka pretty at di ka yummy ano ka? anak ni Chukie?". Sila yung mga taong natural na itim ang buga ng kanilang hininga kalevel ng dugong nanalaytay sa kanila. Sila yung mga taong handang mang bad vibes sayo. Mostly sila yung mga taong bet mong di makita, at makanaig. At sila ang laging kaaway ng mga patola!
Patola- Mga taong kahit anong hanash ay pina patulan.Konting puna ang dami na agad talak. Walang kawala sa mga patola ang mga taong hanashi. Dahil kapag patola ka, kahit ano papatulan mo.
itutuloy...
Subscribe to:
Posts (Atom)