Showing posts with label humor. Show all posts
Showing posts with label humor. Show all posts

Friday, August 9, 2013

Wednesday, December 19, 2012

Eme Eme Kowts


1. Ang malandi parang bata, kung ano-ano nalang ang sinusubo.

2. Di lahat ng kasalanan sorry ang katapat, paminsan-minsan kailangan din ng sapak para sapat.

3. Sa relasyon hindi mo maiiwasang maghinala, lalo na kung ang syota mo ay parang si Dora, gala ng gala.

4. Never Judge someone especially kung Audience ka lang, remember 10% lang ang Audience Impact. WAG MO MASYADONG I-FEEL ANG MOMENT!

5. Hindi lahat ng pag-ibig ay tama. Hindi lahat ng pag-ibig ay dapat. May mga pag-ibig kasing nakatakda lang para maglaho — kapag hindi naglaho, edi, itago.

6. MOTTO NG MALALANDI: Never say Die, Cause tomorrow is another guy!

7. Wag mong isiping pangit ka. Hayaan mo na lang na kami ang mag-isip nun.

8. Kung wala kang lovelife, wag kang OA! Dahil sabi nga ni Juris, "Di lang ikaw..."

9. Ang sarap siguro pagmasdan yung taong "MAHAL" mo na may kasamang iba habang......UMUULAN Ng APOY!.

10. Sa mundo, mayroon lamang dalawang klaseng GWAPONG Lalake: Si Zoren at si Rustom. Sino ka sa kanila?

Tuesday, December 18, 2012

KWESTIYON AND ANSWER PORTION/INTERBAMS and MANY MORE FUNNY QUOTES FROM PINOY AND PINAY CELEBRITIES


 1.Nap Guttierrez Interviewing Manilyn Reynes in Movie Magazine


 NAP: Saan ka movie outfit nakakontrata?

 MANILYN: So far, hindi ko naman pinoproblema ang mga wardrobes        
 ko kasi  ex-deal naman eh.

 2.Jullie Yap Daza (guesting on Vilma)
 

 JULLIE: O Vi nag-guest na ko dito sa show.
 Ikaw,kailan ka naman mag-ge-guest sa show ko?
 VILMA : Alam mo naman Tita Jullie, busy kami ni
 Ralph sa pag-a-arrange ng kasal namin. Siguro pagkatapos na lang     

 ng marriage!

 3.Celia Rodriguez( Isa sa mga interviews nya noong mga    

 kapanahunan pa niya) 

 "If I were to compare the stars of my era with the star   

 discoveries of Dr. Rey dela Cruz,it would be like placing the  
 Taj Majal of India side by side with a Volkswagen. 

 4.Vilma Santos (overheard after hearing Mass)


 "Ang ganda ng gospel number na yon,napaka-enlighting. Teka    
 magpupunas lang ako, I'm sweatening.


5. Vilma Santos (after performing a dance number on her show)


 "Thank you, Lucky for the flowers...where did they came from?"


6. Melanie Marquez' Acceptance Speech (Best Actress MMFF)


"Salamat po sa Board of Judges. Ito na ho yata ang pinakamaligaya
 kong pasko at manigong bagong taon sa inyong lahat."


More?
"I am not an addict. I am the victims!"

More pa?
"Ang tatay ko lang ang only living legend na buhay pa!"

Ayaw paawat?
"That's why I am a success. Because I don't middle in other people's lives"

7. Babette  Villaruel ( During an interview after her Mom's interment)


"Successful naman ang libing ng nanay ko"


8. Sabrina M. tinarayan si Osang sa isang talk show

Sabrina M: At least hindi naman ako katulad ng iba diyan retokado ang boobs
Osang: Hoy Sabrina, oo nga retokado tong boobs ko. Pero atleast ang ngipin ko hindi pustiso tulad ng sayo! Ooops huwag kang magaglit baka malaglag yan sa sahig!


9. Nadia Montenegro


"I am inviting all the televiewers to watch our movie "14 Going

Steady the twenty-twoth of November...."

"Sana po'y panoorin natin ang The Life Story of Julie Vega...alam

kong masaya si Julie ngayon dahil it's just around the corner"

10. Joe Quirino presenting Jean Saburit with this intro on Seeing Stars with JQ

 " Ladies and gentlemen, take it away with Miss Jean Saburat!"

11. Marian Rivera Defending Pnoy's issue during his candidacy
"Ah, isa po akong Psychology at nakikita ko na wala naman syang diperensya kaya sa kanya pa rin ako"

12. Alma Moreno with Guest Joey Albert in her now defunct show rated A "so Joey, paki ulit yung concery mo sa University of Belt. "

13. Tito/Vic/Joey in Discorama
Joey: ano ang favorite movie mo, English or Tagalog?
Discorama Girl: Bot!
Vic: So favorite mo talaga si Edgar Mortiz?

14. Sa GermSpecial, Debut ni Janice De Belen
Kuya Germs: Happy Birthday Janice, ano anna may sasabihin ka pa?
Anna Margarita Gonzales (Sister ni Kring Kring) : Janice, ilang taon ka na?

15. EAT BULAGA/ Super Sireyna Q & A
Joey: Ano sa tingin mo na katangian mo na iba sa mga kalaban mo?
Contestant:Unang una, isa akong tunay na babaeng filipina. Na handang maglingkod sa bayan.Alam ko na ang isang gay na katulad ko ay maaaring maging magandang halimbawa sa lipunan. OO nga, kami'y parating pinag tatawanan subalit may karapatan rin naman kaming mabuhay para hinde lamang sa sarili kundi para sa taong aming pinag lilingkuran.
Joey: So ano ngang katagian ang iba sa iyo?
Contestant: Palangiti ako.
Vic: Kahit walang tao?

16. Seeing Stars with JQ (Sharon and Myra Manibog guesting)
Joey Q: Sharon, are you familiar with the current problems we are facing in the film industry?
Sharon:Tito Joe, I'm afraid not.
Joey Q: What about you Myra? What can you say?
Myra: Naku tito Joe, I'm afraid also!

17. Alma's funny response on one of her interviews regarding her house interior
Reporter: Balita ko wall to wall ang carpeting ng bahay mo?
Alma: Di naman sa sahig lang.

18. Inday Badiday to a lost child on her show
Ate Ludz: Kilala mo ba kung sino ako?
Child: Opo.
Ate Ludz: Sige nga, sino ako?
Child: Bakla po.

19. Alma Moreno at Mc Donald's counter
Crew: for Dine in or Take out?
Alma: Ay for Vandolph yan sabay smile
Crew:Ok po , one big mag for take out.
Alma: Small mack lang. 

20. A starlet was asked, ano ang edge mo sa iba pang celebrities?
Starlet: Ang edge ko po is 24 :)















Thursday, December 13, 2012

Walang Kamatayang Beauty Pageant Quotes


1. Sa tingin ko ang pinaka-asset ko sa mukha ko ay ugali. Mabait kasi ako eh.
- MR. POGI CONTESTANT'S ANSWER TO THE QUESTION: ANO SA MUKHA MO ANG PINAKA-ASSET MO?

2. Good afternoon, ladies and gentlemen! I am Ma. Rosario Liboon, I come from the beautiful city of Pangasinan...City!

- SHE'S GOT THE LOOK CONTESTANT

3. Good afternoon, ladies and gentlemen! I am Carmelita Hernandez, I come from Pasay City and I want to be a medicine!

- ANOTHER SHE'S GOT THE LOOK CONTESTANT

4. Host: What is your favorite motto?

Contestant: (after a long pause) I don’t have a motto eh.
(so the crowd starts helping her out. the crowd started saying, “Time is gold! Time is gold!”)
Contestant: I have na po. Chinese gold

5. BB. PILIPINAS PAGEANT NIGHT

HOST: If you only had one of the five senses,
what would you want to have?
CANDIDATE: Uhm... the sense of sight.
HOST: And why is that?
CANDIDATE: Uhm, because...because I have beautiful eyes.

6. BB. PILIPINAS PAGEANT NIGHT

HOST: So you live not far from here. So, how did you come here? Did you walk or did you ride?
CANDIDATE: Um, of course "did you ride."

7. Local Gay Beauty Pageant:

Emcee: What can you say about the violence in our country today?
Candidate: Naman, kuya ... Gitara nga di ako marunong ... BAYOLENS pa?

8. In a Miss Gay Pageant

Host: How can we uplift our economy today even though we are under economic crisis??
Gay:(namutla) Mga Syuta kayo!!! akala ko ba miss gay ito!!! quizbee pala!!!

9. question and answer portion in a local pageant ....

Candidate: may kasabihan po tayo the more we speak the more likely we make mistakes...so for me not to make a mistake i will not answer your question. I thank you"

10. Miss Gay Beauty Pageant Question: IF YOU DIE TOMORROW, WHY NOT NOW?

Candidate: BECAUSE TODAY IS NOT TOMORROW BUT IF YOUR IN A HURRY JUST GO AHEAD AND I WILL FOLLOW. THANK YOU VERY MUCH!

11. Local Beauty Pageant Question: WHAT DO YOU THINK IS THE BEST PART OF YOUR BODY? WHY?

Candidate: THE BEST PART OF MY BODY IS MY NECK... THE NECK HOLDS THE HEAD WHICH WILL WEAR THE CROWN LATER TONIGHT. THANK YOU.

12. Miss Gay Beauty Pageant....

Emcee: CONTESTANT NUMBER 3. DO YOU BELIEVE THAT MAN CAME FROM APE?
CONTESTANT: (ANG BADING LUMINGON, SABAY GRAB NG MIKE) ... YES, I BELIEVE SO, JUST TAKE A LOOK AT CANDIDATE NUMBER 2 ...

13. Host: If you were to describe the color blue to a blind person, how would you do it?"

Contestant: That's a very good question. Keep it up. (Then the girl turns and walks away.)

14. Host: If you were given any special power, what would it be?

Girl: Power of Attorney!

Wednesday, December 12, 2012

Mga Pag Papakasasa ni Sasa




Mayora: "Sasa bumili ka ng Pechay..." 
at umuwe si Sasa ng may dalang kangkong!...

Mayora: "Sasa bumili ka ng gamot, dalihn mo itong pakete at sabihin mo hinde yung ganyan ang kelangan mo 5 mg yan, yung 3 mg lang kamo at marami pa tayong 5 mg"
Umuwe si Sasang may dalang isang banig ng 5 mg pan dagdag sa marami pang 5 mg.(ewan ko ba bakit nililito rin kasi ni Mayora si Sasa)

Sasa inabutang nag babasa ng eme eme book ...
Me: "Sasa bakit ayaw mong buksan yang ilaw, masisira ang mata mo sige ka..." 
Sasa: malabo na rin naman talaga mata ko... 
After ilang minuto, itinabi na ni sasa ang libro at nag ayos na ng kama. Mukhang si Sasa matutulog na, at biglang tumayo at binuksan nya ang ilaw. 
Me: O Sasa bakit mo binuksan ang ilaw kung kelan matutulog ka na? 
Sasa: Ayaw ko ng madilim pag nakapikit.
Me: Ang labo mo talaga!

Sasa habang eklips, may kumatok sa gate... ilang kalalakihan, mga kabataan,mga pormang K-POP, eto na ata ang mga padala ni Mayor. Pinagbuksan ni Mother Beki (mudang ni Sasa)Hinahanap nila si Sasa isasabay na raw papunta ng MOw-A. Ginising ni mother beki si Sasa dahil sa wa-e namang paalam na ganap bago mangyari ang said event.Ginising nya si Sasa sa paraang payugyog at nagtatanong ng "saan ka pupunta!, saan ka pupunta!"Dahil sa gulat ni Sasa, siya ay napabalikwas at nagmadaling mag bihis. Biglang naalala ni Sasa na tonight is the night! the best night of his/her/it life! manonood sya ng Concert ni JLo.

Isinuot nya ang bagong tahing hoodie so as he donned his pink hoodie,sweat pants at pink sequins sa lips nya, umiksena ang mudang  nya sa gitna ng hagdan at pinigilan syang harapin ang kanyang mga bisita. 

Sasa nangingilid ang mga luha sa mata...at biglang kumuda
Sasa: "bakit Ma? bawal akong lumabas? bawal akong magsaya? bakit??? dahil di ako kagaya ng iba kong kapatid? rinig na rinig kita Ma, Sabi mo sa mga kaibigan mo... ewan ko ba jan kay Bujoy, di kagaya ng iba nyang mga kapatid.. walang ka glamour glamour...You made me feel ugly Maahh!..." Sabay hagulgol ng Fake...

Mother Beki: Sinampal si Sasa ng slyt para mahimasmasan sa pag iinarte... "So nagawa mong mag powder para di ka Oily pero di ka naligo at di mo inisip na ikaw ay smelly?  Maligo ka muna bec. you might be wearing a JLo inspired couture from the works of Aling Loida but you definitely smell like a rotten egg!" 

Ow-Ey ha... rotten egg talaga? Sasa may not be that religious when it comes to taking a bath everyday. Perhaps,It is because he is an advocate of green living. Ayaw nyang mag aksya ng tubig, mas iniisip nya ang welfare ng mga bacteria na nakatira sa skin nya kesa sa kalinisan nya. 

Heniways,Sasa is pasaway at dinedma nya ang payo ng kanyang butihing mudang. Sasa strongly believes na para mas may arrive ang entrada nya dapat mag start sa kanyang natural na Aroma! Dapat alam kung saan sya nagmula at wala syang pinagbago. Full smile si Sasa pagbaba ng hagdan dahil narinig na nya ang boses ng kanyang funny na bessy... si Jenny (a.k.a Hiwa Moto).


Si Jenny ay morena, di kagandahan, di katangkaran at di rin kabanguhan (eto ata ang PEG nilang mag babarkada, mas may amoy mas may distinction from the rest)

Kahit anong laki ng smile ni Sasa, Sinalubong pa rin sya ng half smile ni Jenny, Si Jenny nka half smile lang parati, more of a smirk. Hinde naman sa dahil may tampo siya kay Sasa or sa lahat ng tao.Hinde rin dahil pilit ang ngiti nya, bagkos, pinipilit nyang magdikit ang kanyang labi na hinde na muling maglalapit....

May hiwa sa nguso si Jenny... Dahil sa may pagka sharp din ang tubo ng dila niya, minsan syang initak ng tatay nyang lasinggero.
Despite of Jenny's imperfection, Nanatili syang masayahin, palabiro na ultimo sarili nya ay ginagawa nyang katatawanan. 

Dahil sa napansin ni Jenny na postura kung postura si Sasa at namukhaan nya na ang Suot ni Sasa ay from her ultimate idol She decided to greet Sasa with equally warm and pasabog song. 

Jenny: " Don't be fooled by the rocks that I got... I'm stil I'm still Jening na itak!"
Sasa: "I love it Mars! Jening na Itak! ikaw na ikaw!

At humayo na sila patungong Arena in her pink kapa. Lahat sila is waiting for tonight for JLo to dance again. Habang nakapila sa entrada, walang sawa si Sasa sa pag indayog at pangungulit sa mga kasamahan nya sa pila. At ng malapit na malapit na si Sasa sa pintuan ng Arena... Sasa sang at the top of his/her/it lungs " Im goin' in... Im goin' In" habang duma dash sya papasok sa loob ng Arena... bigla syang hinatak pabalik ng mga Lady Ga-guard nagulat sya at natigilan sa kanyang ginawang eksena. 

Lady Ga-guard: "uhmm ticket po muna sir/mam/?" 
Kinapa ni Sasa ang kanyang bulsa,binaliktad,kinapa muli, hinubad ang kapa pero nabigo si Sasa. Wala ang ticket nya... nasan na kaya ang ticket nya. Nag lapot ng todo si Sasa... di mawari kung saan nya naiwan ang ticket ng kanyang idol. After ng ilan pang  eksena,Sasa recieved a text message coming from mother beki... "Concert ba ni JLo pupuntahan nyo? may extrang ticket pa pla dito sunod ako." Naiyak si Sasa to know the truth. Naiwan nga nya ang ticket nya, di na nagawang mag reply ni Sasa dahil sa alam nyang wala na ring saysay ito dahil sa kapal ng traffic papunta at pabalik... 
kaya si Sasa ang ending, nganga at nkahandusay...On the floor.



Thursday, December 6, 2012

Mga Uri ng Friends









Mema - I dunno if its just me or it is just me lolz, Merong mga taong mapam push ng limit...
limit...over the border line ... border line...I think I'm going to lose my mind... yung tipong naiirita ka na dahil sa uber mema ng kausap mo. Bawat hirit mema... bawat period mema.Isa sya sa mga Kuya Kim ang Peg at Nag take ng advance studies ng Memanics at Memathology. Pero so far lahat ng taong nakilala kong mema is may pagka harmless naman. Mabait sila, nature nila yun kaya minsan kahit na gusto mong mairita... oo ka na lang oo. ”Oo, Ate! Oo, Ate… Puro na lang ako oo, Ate! Para akong manikang de susi!”. Sabay slap sa fez ng friendship mong mema. Chos! syempre nga hinde mo papatulan kasi nga uber babait nila
:). Pero may mangilan ngilan din na di mo i-aatempt mag open ng discussion o ultimo mag
small talk dahil kapagod gums si kuya...Merese ng mapanis ang laway mo sa pag nganga kesa sa kausapin mo sya! Dahil pag di ka nag pigil, lagot ka.. bula bula bibig yan!


Havey - Ito yung mga taong bet mong kasama sa twina... mga kwela, mga bungisngisin, ika nga 
" No dull moment" dahil sa taba ng mga utak nila definitely they are not dull. They are so
sharp! Oo sharp nga ang mga dila nila, most of the time ay nakakatuwa sila and at the same
time nkaka offend sila! Pero dedma na ang mahalaga is happy ang barkada. Sarap maka good vibes ng mga Havey kasi sila yung taong swak! di pilit, di rehearsed mga baklang naturalesa.

GGSS - Sila yung mga taong aleli ng mga Doktor (see Narsisa). Bawat kibo harap sa salamin,

bawat lakad hanap ng salamin. Ito yung mga taong di mo alam saan humuhugot ng confidence sa katawan. Di naman kagandahan, kakinisan,kaputian at kayamanan pero kung maka arte hala! mahihiya ang ginginvitis sa pagdurugo ng gums mo sa mga salitang lalabas sa bibig nila. 

EG:

GGSS: "lakas mka good vibes nung crush ko... sabi nya sa akin... Mas cute ka pala in person!" yun na! di man lang nahiya sa beywang nyang size 44 at sa pez nyang gamunggo oo gamunggong ganda lang ang pwede mong makita, dahil wa-e talaga.




Nganga - Yey! Sila yung unang buka pa lang ng bibig alam na! Alam na , wa-e sustansyang magegetlak sa kanila. More smile lang sila, more hawi ng bangs, konting purse ng lips and there you have it ladies and gentlemen. pasalamat na lang talaga kasi majority sa kanila is may angking ganda, kaya di na rin masama at least they are not an eyesore.





Forever Young - Sila yung mga late 40s na pero maliksi pa sa garapatang gutom. Rampa dito , rampa doon, Awra dito awra doon. Walang pagod! At ina achieve pa ang mga looks na shaved hair with tribal infusion. Kasuka! bakit kuya? bakit!!!! pabayaan mo sa mga teenager ang ganyang look at wag sayo.




LABLABLAB - sila yung mga taong bet lang... wala kang hanash...dahil uber linis ng kalooban ,walang bahid dungis. pag may nasabi kang di maganda about him/her feeling mo napakasama mo na. Pero uber konti lang nila at parang wala nga akong kilalang kagaya nila hahaha.. ikaw ba meron kang kilalang ganyan?




Bet na Bet! - Eto yung mga taong  bet na bet mag pa GL... mga batang alaska... walang inatupag kundi ang mag pa libre, mang gastas... minsan masusuka ka na sa kanila kasi wlang ibang bukang bibig kundi "libre mo ako ha". Ok lang naman ang maging mapag bigay at man libre paminsan minsan pero wag naman yung gawing hobby ang pag papalibre...pero minsan eto ang mga trip na trip  ka join ng mga paandar... kasi join lang ng join ang mga bet na bet together with mga baklang hamog at madamme na madamme naman ang PEG ng paandar kahit 5 balot lang ng kanton ang na i GL nya. 

GG - Sila yung mga taong di mo alam kung bakit may pangangailangang manlinlang. 


Halimbawa:

Ernalyn - "Mars ang ganda naman ng blouse mo..." 
Germalyn - "totoo ba? , sige mars hayaan mo pag nag sale ulit sa MANGOE ibubuyla kita!" habang, sa lahat ng panahon OPM ang drama ni Mama , di na lang mag thank  you sa bati.. may need pa talagang man GG!, GiniGi na si Ernalyn na Mangoe ang blouse nya, GiniGi pa na I GGL sya...kaya kayo beware!

Madam  - "ay wala..., hinde puwede eh, kulang pa sa akin ito" eto ang normal na linya ng mga taong madam. Sila ang mga taong walang kamalay malay na nakakakurot sa puso ng mga taong maramdamin... Sila yung mga taong walang bahid na mag attempt ng GG offer para lang masabing nag offer. 


MEMA LANG - (ang GG offer ay isa sa mga katangiang Pilipino na kadalasang ginagawa kapag tayo ay kumakain )

Halimbawa: 
Baklang Hamog: "meym, kain tayo?..."(This is a GG Offer)
Madamme: "thanks , di ko bet.. busog pa akis..." (ito ang hirit ng mga taong classy at di lumaking PG)
Baklang Hamog: "meym, keri lang plenty to for all of us... look..."(hinati ni beki ang tinapay at napuno ang isang dosenang basket) may magic si bakla hahahaha... ( a second attempt in asking you to join them in their meal is mostly a genuine offer, so keri lang i grab..)

so alam na? ok move on na tayo jan... so ang mga madam ay mga taong pinag kaitan ng lahat ng bagay nung mga bata pa sila... mga batang sabik, 1st timer, gutom na gutom, deprived! oo lahat ng nega nasa taong madam, kaya ikaw wag mo ng i-attempt mang madam!

Aliw - Mga baklang mistulang adiktus dahil sa kakaibang trip sa buhay. Kahit na gaano ka eni eni ang pinag sasabi nila, super happy sila kasama.Sila ang mga baklang walang katapusan kung mag pasabog. Basta hakot sila sa Aliw awards sa twina.Kahit ano ipagawa mo sunod lang ng sunod. Di ko alam if hangin na lang ba ang laman ng utak nila dahil sa kakaibang pananaw nila sa buhay Or sadyang bet lang nila mag ansya ansyahan... trip trip lang, walang basagan.


Shalani - Sweet at Syala sila yung mga taong likas ang pag papaandar. Pero subtle lang. Walang halong yabang, walang halong sumbat. Gusto lang nila is everybody happy. Naniniwala sila na ang lahat ng sobra ay masama. kaya binabawasan nila ang sobra sa yaman nila at pinamumudmod sa mga baklang hamog. Ang bet ni Shalani ay chill chill lang, cowboy ang peg. Bet nya jumoin both sa mga nkaka LL at nkaka SS. Dahil bet lang nya at walang kung ano mang dahilan. Pag kay shalani, di lahat ng bagay dapat may paliwanag kahit wala keri lang.
Eksena sa ilalim ng dagat:
Baklang Hamog to Shalani: Pengeng Pera!
Sahalani: I got twenty...But who cares?, No Big Deal...
Baklang Hamog: I want more...
Shalani: Go. 

Ganyan kabilis kausap si Shalani, mabilis pa sa blink ang decision making nya.

Paandar - Mabilis pa sa alas singko kung umiksena. Sila yung mga taong pilit pinapantayan ang estado ng mga Shalani. eksenadora sa twina, kung si Shalani ay subtle lang, ang mga Paandar ay More More More at Much Much Much...di bale ng magutom at mangutang si Paandar basta maka eksena lang. The best katandem ng mga baklang bet na bet. 

Si Eve - Si Eve ay ang baklang itinakda! ang bida kontrabida. Lahat ng usapan ay tugkol dapat sa kanya. Bet na bet nya ang mga chikang all about eve dahil sa sya ang bida. Kahit anong tema ng usapan di mag mimintis at maisisingit ni Eve ang sarili nya ng walang ka effort effort. Si Eve na nga talaga, sya na nga... at sya lang talaga. 


Hanashi - Sila ang mga taong, walang magandang sasabihin sayo o sa kapwa nila. Lahat na lang ikinu complain. Bakit eyebag ang tawag sa itim s ilalim ng mata, habang wala namang ganitong model ang SECOSANA. Bakit ka pangit? "kung di ka pretty at di ka yummy ano ka? anak ni Chukie?". Sila yung mga taong natural na itim ang buga ng kanilang hininga kalevel ng dugong nanalaytay sa kanila. Sila yung mga taong handang mang bad vibes sayo. Mostly sila yung mga taong bet mong di makita, at makanaig. At sila ang laging kaaway ng mga patola!


Patola- Mga taong kahit anong hanash ay pina patulan.Konting puna ang dami na agad talak. Walang kawala sa mga patola ang mga taong hanashi. Dahil kapag patola ka, kahit ano papatulan mo.



itutuloy...