Friday, December 21, 2012
Wednesday, December 19, 2012
Eme Eme Kowts
1. Ang malandi parang bata, kung ano-ano nalang ang sinusubo.
2. Di lahat ng kasalanan sorry ang katapat, paminsan-minsan kailangan din ng sapak para sapat.
3. Sa relasyon hindi mo maiiwasang maghinala, lalo na kung ang syota mo ay parang si Dora, gala ng gala.
4. Never Judge someone especially kung Audience ka lang, remember 10% lang ang Audience Impact. WAG MO MASYADONG I-FEEL ANG MOMENT!
5. Hindi lahat ng pag-ibig ay tama. Hindi lahat ng pag-ibig ay dapat. May mga pag-ibig kasing nakatakda lang para maglaho — kapag hindi naglaho, edi, itago.
6. MOTTO NG MALALANDI: Never say Die, Cause tomorrow is another guy!
7. Wag mong isiping pangit ka. Hayaan mo na lang na kami ang mag-isip nun.
8. Kung wala kang lovelife, wag kang OA! Dahil sabi nga ni Juris, "Di lang ikaw..."
9. Ang sarap siguro pagmasdan yung taong "MAHAL" mo na may kasamang iba habang......UMUULAN Ng APOY!.
10. Sa mundo, mayroon lamang dalawang klaseng GWAPONG Lalake: Si Zoren at si Rustom. Sino ka sa kanila?
Tuesday, December 18, 2012
KWESTIYON AND ANSWER PORTION/INTERBAMS and MANY MORE FUNNY QUOTES FROM PINOY AND PINAY CELEBRITIES
1.Nap Guttierrez Interviewing Manilyn Reynes in Movie Magazine
NAP: Saan ka movie outfit nakakontrata?
MANILYN: So far, hindi ko naman pinoproblema ang mga wardrobes
ko kasi ex-deal naman eh.
2.Jullie Yap Daza (guesting on Vilma)
JULLIE: O Vi nag-guest na ko dito sa show.
Ikaw,kailan ka naman mag-ge-guest sa show ko?
VILMA : Alam mo naman Tita Jullie, busy kami ni
Ralph sa pag-a-arrange ng kasal namin. Siguro pagkatapos na lang
ng marriage!
3.Celia Rodriguez( Isa sa mga interviews nya noong mga
kapanahunan pa niya)
"If I were to compare the stars of my era with the star
discoveries of Dr. Rey dela Cruz,it would be like placing the
Taj Majal of India side by side with a Volkswagen.
4.Vilma Santos (overheard after hearing Mass)
"Ang ganda ng gospel number na yon,napaka-enlighting. Teka
magpupunas lang ako, I'm sweatening.
5. Vilma Santos (after performing a dance number on her show)
"Thank you, Lucky for the flowers...where did they came from?"
6. Melanie Marquez' Acceptance Speech (Best Actress MMFF)
"Salamat po sa Board of Judges. Ito na ho yata ang pinakamaligaya
kong pasko at manigong bagong taon sa inyong lahat."
More?
"I am not an addict. I am the victims!"
More pa?
"Ang tatay ko lang ang only living legend na buhay pa!"
Ayaw paawat?
"That's why I am a success. Because I don't middle in other people's lives"
7. Babette Villaruel ( During an interview after her Mom's interment)
"Successful naman ang libing ng nanay ko"
8. Sabrina M. tinarayan si Osang sa isang talk show
Sabrina M: At least hindi naman ako katulad ng iba diyan retokado ang boobs
Osang: Hoy Sabrina, oo nga retokado tong boobs ko. Pero atleast ang ngipin ko hindi pustiso tulad ng sayo! Ooops huwag kang magaglit baka malaglag yan sa sahig!
9. Nadia Montenegro
"I am inviting all the televiewers to watch our movie "14 Going
Steady the twenty-twoth of November...."
"Sana po'y panoorin natin ang The Life Story of Julie Vega...alam
kong masaya si Julie ngayon dahil it's just around the corner"
10. Joe Quirino presenting Jean Saburit with this intro on Seeing Stars with JQ
" Ladies and gentlemen, take it away with Miss Jean Saburat!"
11. Marian Rivera Defending Pnoy's issue during his candidacy
"Ah, isa po akong Psychology at nakikita ko na wala naman syang diperensya kaya sa kanya pa rin ako"
12. Alma Moreno with Guest Joey Albert in her now defunct show rated A "so Joey, paki ulit yung concery mo sa University of Belt. "
13. Tito/Vic/Joey in Discorama
Joey: ano ang favorite movie mo, English or Tagalog?
Discorama Girl: Bot!
Vic: So favorite mo talaga si Edgar Mortiz?
14. Sa GermSpecial, Debut ni Janice De Belen
Kuya Germs: Happy Birthday Janice, ano anna may sasabihin ka pa?
Anna Margarita Gonzales (Sister ni Kring Kring) : Janice, ilang taon ka na?
15. EAT BULAGA/ Super Sireyna Q & A
Joey: Ano sa tingin mo na katangian mo na iba sa mga kalaban mo?
Contestant:Unang una, isa akong tunay na babaeng filipina. Na handang maglingkod sa bayan.Alam ko na ang isang gay na katulad ko ay maaaring maging magandang halimbawa sa lipunan. OO nga, kami'y parating pinag tatawanan subalit may karapatan rin naman kaming mabuhay para hinde lamang sa sarili kundi para sa taong aming pinag lilingkuran.
Joey: So ano ngang katagian ang iba sa iyo?
Contestant: Palangiti ako.
Vic: Kahit walang tao?
16. Seeing Stars with JQ (Sharon and Myra Manibog guesting)
Joey Q: Sharon, are you familiar with the current problems we are facing in the film industry?
Sharon:Tito Joe, I'm afraid not.
Joey Q: What about you Myra? What can you say?
Myra: Naku tito Joe, I'm afraid also!
17. Alma's funny response on one of her interviews regarding her house interior
Reporter: Balita ko wall to wall ang carpeting ng bahay mo?
Alma: Di naman sa sahig lang.
18. Inday Badiday to a lost child on her show
Ate Ludz: Kilala mo ba kung sino ako?
Child: Opo.
Ate Ludz: Sige nga, sino ako?
Child: Bakla po.
19. Alma Moreno at Mc Donald's counter
Crew: for Dine in or Take out?
Alma: Ay for Vandolph yan sabay smile
Crew:Ok po , one big mag for take out.
Alma: Small mack lang.
20. A starlet was asked, ano ang edge mo sa iba pang celebrities?
Starlet: Ang edge ko po is 24 :)
Thursday, December 13, 2012
Doray the Exploder
Si Doray ang mudang ni Sasa. Gaya ng
anak nyang si Sasa wala ring panahong magpasabog si Doray.
Pasabog Checklist ü ü ü
Reli- ü
Eksena- ü
Outfit – ü
Ati-tud – ü
So far pasok sa banga ang pasabog checklist ni Dora at infairness, nag crack ang banga sa laki ni Doray. Masasabi ko na isa si Doray sa pinakamabait na tao na nakilala ko. Mapagmahal na ina,asawa,kaibigan,kapatid,anak at amo. Pero wag ka, isa rin si Doray sa pinakabaliw na taong na meet ko sa labas ng Mandaluyong.
Eksena sa Mall - Outfit (Gold Shades, Pink Lipstick,tamang powder + Uber kapal na blush on,Mini Dress at Ugg Boots)
Promodizer busy-busyhan sa pag dedemo ng amazing cutter, watch si Doray kasama ng iba pang audience na amazed na amazed sa power ng amazing cutter!
Doray: Miss magkano to? (pointing to the Talong, demo product)
Promodizer: Uhhm, mam di po namin binebenta yan
Doray: Ah ganun ba? sorry hehehe
Amazed Audience-kasi naman nakita ng yung cutter ang dinedemo ano ano pa tinatanong eh
Doray: Hoy! ikaw ba tinatanong ko? pakelemera ka! Eh kung ipakain ko sayo tong talong na to? (habang dinudunggol dungol sa fes ng na startled na bilat)
Amazed Audience:(nganga for a few seconds and then... blurted out)Eh kasi naman nanonood yung tao ng demo nanggugulo ka!
Damang dama ko ang irita ni ate sa tone ng voice nya, may nginig at may poot!
Doray: And so? customer din ako bakit ba? at saka bakit? kilala mo ba ako? ha! kilala mo ba ako?!
Amazed Audience/Shocked Audience-ha...ah.. hinde... bakit sino ka ba?
Doray: Ako si Doray! At ikaw si chaka!
Sabay exit...hinatak na sya palayo ni Mayora dahil baka ma itry ni Doray ang amazing cutter sa pez ni ate at ma SOCO ng di oras si Doray.
Di naman nature ni Doray ang pala away, ayaw nya lang ng may ng babasag ng trip nya. At wagka... di pa nakatikim ng kung ano mang droga si Doray. Isa sya sa mangilan ngilang tao na kilala ko na may natural na tama, may natural na saltik, according kay Mayora marahil epekto ito ng pagkakaroon ng tipus ni Doray nung sya ay musmos pa lamang. Yeys, na tipus at na polio si Doray nung kabataan. Kaya ang legs nya, makinis,maputi, walang buhok ngunit,subalit, datapwat ito ay di pantay!Pero maswerte p rin si Doray dahil di sya na IMBA... pantay ang lakad nya despite na di pantay ang laki ng legs nya! Simply Amazing right?
Eksena sa Balurya/Babae sa Bintana
Joanna(Bowa ni Doray: wag ka ngang magwala... naririnig tayo ng mga kapitbahay...
Doray: Eh ano kung marinig tayo ng mga tao, pinalalamon ba nila tayo? ha? ikaw tong pinakakain ko.. pero ayaw mo ng Menudo! Menudo kong may garbansos! Punyeta ka itatapon ko talaga lahat to...
sabay tapon ng bagong lutong Menudo na may garbansos sa basurahan...
sabay tapon ng bagong lutong Menudo na may garbansos sa basurahan...
Joanna:Bakit mo tinapon?
Doray: Eh ayaw mong kainin diba? ayaw mo diba! diba!(ng may mamataan si Doray na usisero sa bintana at feel na feel ang panonood ng live telecast ng Garbansos Serye) Hoy putang ina mo ka! ano tinitingin tingin mo dyan! wala kang magawa! chismoso ka! Putang ina mo ka!
Joanna: halika na, wag kang mag iskandalo dyan!
walang ka abog abog at ni walang parental guidance advisory na naganap umakyat ng bintana at inilabas ni Doray ang bubey nya at humarap sa mga usiserong kapitbahay...
Doray:Iskandalo? o ayan.. ma iskandalo tayo!(habang patuloy winawagayway ang walang kamalay malay nyang bubey)
Hinatak pababa ng bintana ni Joanna si Doray para maiwasan ang malawakang exposure nila Julio at Julia ang kambal ng bintana sabay close ng pinilakang tabing.
Bukod sa mga baliw baliwang arte ni Doray marami-rami na ring quotable quotes na naipundar si Doray sa mundo ng katatawanan.
Nariyan ang mga Kakaibang status updates ni Doray.
Doray's Status Updates:
1. My sister is arrived!
2. My last sweet memories from my dad... I love you dad I will cherries those moments we have together...
3. Dad may you rest and PEACE!
4. Di na makapag antay dinilaan na! (caption ng picture nya habang naka dila sa cake... )
5. Di naman pala masarap ang Magnun
Marami pang aliw moments na iniwan si Doray bago sya mangibang bayan para hanapin ang kanyang kapalaran. Si Doray ay isa ng ganap na performer sa kawalan ng Malaysia.
Nariyan ang mga Kakaibang status updates ni Doray.
Doray's Status Updates:
1. My sister is arrived!
2. My last sweet memories from my dad... I love you dad I will cherries those moments we have together...
3. Dad may you rest and PEACE!
4. Di na makapag antay dinilaan na! (caption ng picture nya habang naka dila sa cake... )
5. Di naman pala masarap ang Magnun
Marami pang aliw moments na iniwan si Doray bago sya mangibang bayan para hanapin ang kanyang kapalaran. Si Doray ay isa ng ganap na performer sa kawalan ng Malaysia.
Walang Kamatayang Beauty Pageant Quotes
1. Sa tingin ko ang pinaka-asset ko sa mukha ko ay ugali. Mabait kasi ako eh.
- MR. POGI CONTESTANT'S ANSWER TO THE QUESTION: ANO SA MUKHA MO ANG PINAKA-ASSET MO?
2. Good afternoon, ladies and gentlemen! I am Ma. Rosario Liboon, I come from the beautiful city of Pangasinan...City!
- SHE'S GOT THE LOOK CONTESTANT
3. Good afternoon, ladies and gentlemen! I am Carmelita Hernandez, I come from Pasay City and I want to be a medicine!
- ANOTHER SHE'S GOT THE LOOK CONTESTANT
4. Host: What is your favorite motto?
Contestant: (after a long pause) I don’t have a motto eh.
(so the crowd starts helping her out. the crowd started saying, “Time is gold! Time is gold!”)
Contestant: I have na po. Chinese gold
5. BB. PILIPINAS PAGEANT NIGHT
HOST: If you only had one of the five senses,
what would you want to have?
CANDIDATE: Uhm... the sense of sight.
HOST: And why is that?
CANDIDATE: Uhm, because...because I have beautiful eyes.
6. BB. PILIPINAS PAGEANT NIGHT
HOST: So you live not far from here. So, how did you come here? Did you walk or did you ride?
CANDIDATE: Um, of course "did you ride."
7. Local Gay Beauty Pageant:
Emcee: What can you say about the violence in our country today?
Candidate: Naman, kuya ... Gitara nga di ako marunong ... BAYOLENS pa?
8. In a Miss Gay Pageant
Host: How can we uplift our economy today even though we are under economic crisis??
Gay:(namutla) Mga Syuta kayo!!! akala ko ba miss gay ito!!! quizbee pala!!!
9. question and answer portion in a local pageant ....
Candidate: may kasabihan po tayo the more we speak the more likely we make mistakes...so for me not to make a mistake i will not answer your question. I thank you"
10. Miss Gay Beauty Pageant Question: IF YOU DIE TOMORROW, WHY NOT NOW?
Candidate: BECAUSE TODAY IS NOT TOMORROW BUT IF YOUR IN A HURRY JUST GO AHEAD AND I WILL FOLLOW. THANK YOU VERY MUCH!
11. Local Beauty Pageant Question: WHAT DO YOU THINK IS THE BEST PART OF YOUR BODY? WHY?
Candidate: THE BEST PART OF MY BODY IS MY NECK... THE NECK HOLDS THE HEAD WHICH WILL WEAR THE CROWN LATER TONIGHT. THANK YOU.
12. Miss Gay Beauty Pageant....
Emcee: CONTESTANT NUMBER 3. DO YOU BELIEVE THAT MAN CAME FROM APE?
CONTESTANT: (ANG BADING LUMINGON, SABAY GRAB NG MIKE) ... YES, I BELIEVE SO, JUST TAKE A LOOK AT CANDIDATE NUMBER 2 ...
13. Host: If you were to describe the color blue to a blind person, how would you do it?"
Contestant: That's a very good question. Keep it up. (Then the girl turns and walks away.)
14. Host: If you were given any special power, what would it be?
Girl: Power of Attorney!
Wednesday, December 12, 2012
Kwentuhan sa FX: Good Vibes lang
Ate1 : Te, matanong lang kita bakit ka happy kahit di ka pretty?
Ate2 : Ouuch! Hilda, sobra ka naman...masakit ha...
Hilda (acdg kay ate): Ay sorry, kala ko naman kasi ok lang sayo na tinatawag kang pangit...
Ate2: Ok lang nga, pero masakit yung pag ka hila mo sa buhok ko. Iba talaga ang kamay mo Hilda! natanggal tuloy yung extensions ko
Hilda: Ay sorry naman hehehe yun pala yun. Pero mabalik tayo bakit ka nga happy kahit di ka pretty.
Ate2: paulit ulit? umayan ba to mare? Or bet mo lang iparinig sa iba pang pasahero?
Hilda: Che! di ka nga sumasagot eh! , kelangan pa ba iparinig? di pa ba nila nakita? ( insisting talaga si Hilda, palibhasa di rin kasi pretty)
Ate2: Ok lang naman kung di ka talaga binigyan ng angkin kagandahang pisikal.Ang mahalaga is kung ano ang nasa loob ng puso mo,may malinis kang konsensya,marunong ka magpapa kumbaba,at nandon ka lagi sa tama at umiiwas ka sa mali. And most of all awareness...dapat aware ka na di ka maganda. Para maka arte ka ng tama. Di gaya ng iba jan, yung ganda nila parang password... sila lang ang nakakakita at nakakaalam. pero kung umarte ayaw ko na lang mag salita ng hinde maganda.
Hilda: wow ha! GMRC sa loob ng FX. Pero mars hirap ka rin ba tumingin sa mata ng ibang tao?
Ate2: But why?
Hilda: Kasi pag look back nila, feeling mo may halong judgement agad.
Ate2: May judgement o wala, just be yourself. We are who we are. Di mo dapat intindihin ang judgement nila especially if wala ka namang ginawang bagay na ikaka judge mo, or di mo naman inapakan ang mga pag katao nila. Stay confident and kill them with humility. Just Smile genuinely.
Hilda: Thanks Mars, lakas maka good vibes ng payo mo. Feel ko na tuloy ang ganda ko...
Tama naman si Ate2 diba, di naman talaga tayo dapat mag pa apekto sa mga bagay na sasabihin ng ibang tao sa atin, may it be with our physical looks or how we carry ourselves. Because at the end of the day, There's always a lesser and greater person within each of us.
Mga Pag Papakasasa ni Sasa
Mayora: "Sasa bumili ka ng Pechay..."
at umuwe si Sasa ng may dalang kangkong!...
Mayora: "Sasa bumili ka ng gamot, dalihn mo itong pakete at sabihin mo hinde yung ganyan ang kelangan mo 5 mg yan, yung 3 mg lang kamo at marami pa tayong 5 mg"
Umuwe si Sasang may dalang isang banig ng 5 mg pan dagdag sa marami pang 5 mg.(ewan ko ba bakit nililito rin kasi ni Mayora si Sasa)
Sasa inabutang nag babasa ng eme eme book ...
Me: "Sasa bakit ayaw mong buksan yang ilaw, masisira ang mata mo sige ka..."
Sasa: malabo na rin naman talaga mata ko...
After ilang minuto, itinabi na ni sasa ang libro at nag ayos na ng kama. Mukhang si Sasa matutulog na, at biglang tumayo at binuksan nya ang ilaw.
Me: O Sasa bakit mo binuksan ang ilaw kung kelan matutulog ka na?
Sasa: Ayaw ko ng madilim pag nakapikit.
Me: Ang labo mo talaga!
Sasa habang eklips, may kumatok sa gate... ilang kalalakihan, mga kabataan,mga pormang K-POP, eto na ata ang mga padala ni Mayor. Pinagbuksan ni Mother Beki (mudang ni Sasa)Hinahanap nila si Sasa isasabay na raw papunta ng MOw-A. Ginising ni mother beki si Sasa dahil sa wa-e namang paalam na ganap bago mangyari ang said event.Ginising nya si Sasa sa paraang payugyog at nagtatanong ng "saan ka pupunta!, saan ka pupunta!"Dahil sa gulat ni Sasa, siya ay napabalikwas at nagmadaling mag bihis. Biglang naalala ni Sasa na tonight is the night! the best night of his/her/it life! manonood sya ng Concert ni JLo.
Isinuot nya ang bagong tahing hoodie so as he donned his pink hoodie,sweat pants at pink sequins sa lips nya, umiksena ang mudang nya sa gitna ng hagdan at pinigilan syang harapin ang kanyang mga bisita.
Sasa nangingilid ang mga luha sa mata...at biglang kumuda
Sasa: "bakit Ma? bawal akong lumabas? bawal akong magsaya? bakit??? dahil di ako kagaya ng iba kong kapatid? rinig na rinig kita Ma, Sabi mo sa mga kaibigan mo... ewan ko ba jan kay Bujoy, di kagaya ng iba nyang mga kapatid.. walang ka glamour glamour...You made me feel ugly Maahh!..." Sabay hagulgol ng Fake...
Mother Beki: Sinampal si Sasa ng slyt para mahimasmasan sa pag iinarte... "So nagawa mong mag powder para di ka Oily pero di ka naligo at di mo inisip na ikaw ay smelly? Maligo ka muna bec. you might be wearing a JLo inspired couture from the works of Aling Loida but you definitely smell like a rotten egg!"
Ow-Ey ha... rotten egg talaga? Sasa may not be that religious when it comes to taking a bath everyday. Perhaps,It is because he is an advocate of green living. Ayaw nyang mag aksya ng tubig, mas iniisip nya ang welfare ng mga bacteria na nakatira sa skin nya kesa sa kalinisan nya.
Heniways,Sasa is pasaway at dinedma nya ang payo ng kanyang butihing mudang. Sasa strongly believes na para mas may arrive ang entrada nya dapat mag start sa kanyang natural na Aroma! Dapat alam kung saan sya nagmula at wala syang pinagbago. Full smile si Sasa pagbaba ng hagdan dahil narinig na nya ang boses ng kanyang funny na bessy... si Jenny (a.k.a Hiwa Moto).
Si Jenny ay morena, di kagandahan, di katangkaran at di rin kabanguhan (eto ata ang PEG nilang mag babarkada, mas may amoy mas may distinction from the rest)
Kahit anong laki ng smile ni Sasa, Sinalubong pa rin sya ng half smile ni Jenny, Si Jenny nka half smile lang parati, more of a smirk. Hinde naman sa dahil may tampo siya kay Sasa or sa lahat ng tao.Hinde rin dahil pilit ang ngiti nya, bagkos, pinipilit nyang magdikit ang kanyang labi na hinde na muling maglalapit....
May hiwa sa nguso si Jenny... Dahil sa may pagka sharp din ang tubo ng dila niya, minsan syang initak ng tatay nyang lasinggero.
Despite of Jenny's imperfection, Nanatili syang masayahin, palabiro na ultimo sarili nya ay ginagawa nyang katatawanan.
Dahil sa napansin ni Jenny na postura kung postura si Sasa at namukhaan nya na ang Suot ni Sasa ay from her ultimate idol She decided to greet Sasa with equally warm and pasabog song.
Jenny: " Don't be fooled by the rocks that I got... I'm stil I'm still Jening na itak!"
Sasa: "I love it Mars! Jening na Itak! ikaw na ikaw!
At humayo na sila patungong Arena in her pink kapa. Lahat sila is waiting for tonight for JLo to dance again. Habang nakapila sa entrada, walang sawa si Sasa sa pag indayog at pangungulit sa mga kasamahan nya sa pila. At ng malapit na malapit na si Sasa sa pintuan ng Arena... Sasa sang at the top of his/her/it lungs " Im goin' in... Im goin' In" habang duma dash sya papasok sa loob ng Arena... bigla syang hinatak pabalik ng mga Lady Ga-guard nagulat sya at natigilan sa kanyang ginawang eksena.
Lady Ga-guard: "uhmm ticket po muna sir/mam/?"
Kinapa ni Sasa ang kanyang bulsa,binaliktad,kinapa muli, hinubad ang kapa pero nabigo si Sasa. Wala ang ticket nya... nasan na kaya ang ticket nya. Nag lapot ng todo si Sasa... di mawari kung saan nya naiwan ang ticket ng kanyang idol. After ng ilan pang eksena,Sasa recieved a text message coming from mother beki... "Concert ba ni JLo pupuntahan nyo? may extrang ticket pa pla dito sunod ako." Naiyak si Sasa to know the truth. Naiwan nga nya ang ticket nya, di na nagawang mag reply ni Sasa dahil sa alam nyang wala na ring saysay ito dahil sa kapal ng traffic papunta at pabalik...
kaya si Sasa ang ending, nganga at nkahandusay...On the floor.
Monday, December 10, 2012
Divi Diva... Kwentong Erna!
Utas... There's no better way to put how I felt last saturday. Uber sa dami ng mga tao sa Divine...Lahat na ng Iskwa-a at mga nakaka SS nandoon at nakipag siksikan upang makamura, makapanghipo,makapang asar at makapang -isnatch . Yeys ganun ka siksikan gums to gums talaga ang labanan from all walks of life.
All walks of life dahil sa parang tinaon nila na ang lahat ng lakad ng mga tao sa araw ng sabado at sa Divine ang G.E.B.. Apak dito apak doon, putik dito putik doon. Divi is the exact description of Maricel Soriano's Kaya kong abutin ang langit movie line " Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayaw ko ng mabaho! ayaw ko ng putik! " kahit gaano kaayaw ni Ate Maria sa mga bagay na ito... wala kang choice kundi ma experience this pag nag Divine ka.
So ayun lakad lakad, wisik wisik ng Evian para manatiling fresh ang Lowla nyo... ng biglang..may eksenadorang ate na nakikipag away sa Tindera ng Hungry Birds sa di kalayuang stand. (yes di kalayuan dahil siko lang ang pagitan ng bawat stand hehehehe) so I decided to stop and let my inner investigative reporting instinct take over(in short maki uzi)
Talakera:"Wala akong pakialam, ibalik mo sa akin ang pera ko! Ibalik mo sa akin ang pinaghirapan ko! Ibalik mo sa akin si JunJun! Ibalik mo sa akin si JunJun!Ibalik mo ang aaaah..."
(si ate nautal dahil sa matinding galit at irita na pinilit nyang levelan ang momentum ng idol nyang si Ate Vi sa pelikulang Paano ba Mangarap kaya na wrong line sya sa malditang tindera)
Malditang Tindera: Hoy miss anong Junjun pinag sasabi mo, tumigil ka maraming tao, wag kang gumawa ng eksena!
Talakera: Hoy ale and sabi mo sa akin young birds feather and laman ng stuff toy na to! pero hinde!!!! mga retaso ang laman!!!! Manloloko ka! Ibalik mo P35 ko!
Malditang Tindera: Hoy miss ang sabi mo sa akin kanina, kung para sa mga young ang stuff toy na yan at kung merong may feather!. At sinagot kita ng OO! at mga retaso? OO retaso na kung retaso... P35 lang yan at choosy ka pa? eh isa lang naman ang binili mo tinawaran mo ang 50 pesos kong turing at ibinaba mo ng 35 dahil sa wla kang barya sa limang daan! pero 34.50 lang ang ibinayad mo! dahil kulang ka din ng. 50 sentimo (in ferness kila ate ha detalyado silang mag sagutan, iniisip nila ang mga bagong audience na lumalapit sa stand para manatiling updated sa chika)
Talakera: eh di 34.50! ibalik mo sa akin ang 34.50 ko!
Malditang Tindera: Hoy miss, kung ibabalik mo yng paninda ko siguraduhin mong di butas at nasa matinong kondisyon pa! Eh butas na yang bina-balik mo eh.
Talakera: #&*$%#%$#%^^&^&^****!!!!! (dami pa talaga talak si ate at di ko na minabuting i transcribe dahil sa kaumay ang return and refund eksena sa isang maliit na stand)
Mema Lang: Alam naman natin na most often than not , anything bought cheap is of poor quality ... hinde ko naman din nilalahat ha meron din talagang good deals, best buys para sa magagaling na bargain hunters pero you won't find them in Divine. Saka kalowka si ate ... nag hanap talaga ng stuff toy na may young bird's feather sa Divisoria? Addict ka ba te?
After ilang minuto ng pakiki uzi ko ay nag decide n rin ako mag move on at makisabay sa saliw ng "thirty five... thirty five lahat ng bagay dito ay thirty five... thirty five, mura at maporma bagay sayo ganda! " sa bawat lipat ko ng stand ay di ko maiwasang mapa kanta at mapa indak sa beat ng jingle na ito! promise mapapa LSS ka sa kanya pag na rinig mo.
After ko ma memorized ang buong song at makagawa ng 150 renditions nakarating na ang lola nyo sa pamosang 168 mall. lakas maka something something ng 168 mall. bagay na bagay sa mga nag hahanap ng mga pang kris kringle. Ito na ang one stop shop para sa inyo...CD-R king of the Kris Kringler's.
- Something Fake (yes, they have it in Divi na rin... at di na lang sa Greenhills , LV, CELINE, Prada, Marc Jacobs, Laura Mercier and more to come)
- Something Hairy (mga wigs, false eye lashes, hair extensions and all)
- Something Broken (mga bagay na yung mga display lang ang ayos pag uwe mo ng bahay sira na!)
- Something Cheap(well all items are considered someting cheap)
- Something na sa Divine mo lang matatagpuan (green tea egg, hard boiled egg na sa green tea binoil at ang sabi ng tindera the tea is really expensive like more than a thousand ang isang kilo)
and then I felt something weird... something is not right... something is getting out uncontrollably...at napakanta na lang ako ng "this is a Fart of me... That you're never gonna ever take away from me" but wait... there's more! hinde lang hangin ang kumawala.. may kumapit at pilit na nakipag bonding sa akin. This is it! This is really is it!
So I asked hunhun to accompany me to the nearest pay lounge and I asked him to buy me undies as well... yes alam na! pero nagtanong pa rin sya kung bakit ."bakit? anong meron?"
So wala akong nagawa kundi i quote si Ate Vi muli sa pagkakatong ito...
Me as sister Stella L: "kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hinde ngayon, kailan pa? Gumora ka na now na!"
at walang anu anuman gumora na si hunhun para i-save ako sa malaking kahihiyan...
Friday, December 7, 2012
The Dirty Diva
At ayun nga.. si Ate kanina sa Pila walang panahon mang balya.... Sinisiksik nya ako sa uber liit na pila ng Minish Tap. With her Ow-Ey agscent " Ehm mish.. mehron be keyong buhcket meal niteng shicken nyo? di kashi ako solve sa 2 pish eh..." Saveeh! Isang Bucket para sa isang bilat na kagaya ni Ate? Te ano ka nung past life mo Dragon? Te, kung di lang ako mabait... ininstagram ko na yung ring mo na nag mistulang bangles sa taba ng mga daliri mo... kaso naisip ko it wont fit kasi nga di naman sya Instakilo...
Di naman sa pang lalait pero si ate kasi di naman kaputian...di mo alam kung ang kulay nya is gatas na choco or choco na gatas para umarti ng di akma sa kanyang skin tone. I am not a racist nor a mapagmalinis na pretty girl na taga I.S. but ate is a M.E.A.N.I.E.! (Malaking Ewan At Nuknukan ng Itim ang Elbows)... grrrrr... Well ofcourse di ko pinatulan ang rougness ng skin ni ate ng rudeness na ugali.. I stayed calm and queenly, and then I said my piece, "te pwedeng usog ka pa ng slight kasi kanina ko pa pinupulot yung nalalaglag na candies courtesy of your belt bag dahil sa mayat maya mo silang binabalya... " I said it because kawawa naman ang mga stockers at fillers...inferness wala namang beltbag si M.E.A.N.I.E talaga mga excess fat deposits lang na stuck sa lower part of her abdomen. pakawala ba sya ng PETA? sa arti ni ate, di ako mag dadalawang isip na hatawin sya ng palo palo! kayo na mag isip ng proportion ni ate. Kaloowka. At bigla kong naisip si Sasa... what if lumaki kagaya ni M.E.A.N.I.E. si Sasa... ang aking anak anakan..."The Dirty Diva!" huwag naman sana... Di ko bet!
A bright future awaits Sasa...
As bright as the colors of the rainbow. Alam na ni Sasa ang differences ng Cerulean, Azure at ng Turquoise at a very young age. Sasa never fails to assist me whenever I asked him/her/IT to look for something in my Kaboodle...Alam na alam nya kung ano yun kahit na ang lahat ng utaw ay mananatiling nganga sa bagay na pina pahanap ko.
Whenever I ask Sasa to make the bed or clean my room, Sasa would always have his/her/IT magic touch and re-arrange my things... Minsan di ko maisip kung gusto ba nyang tumulong para mas makita ko ang mga bagay bagay o gusto nya lang talaga i harness ang kanyang artistic side sa paraang Abstract.
Whenever I ask Sasa to make the bed or clean my room, Sasa would always have his/her/IT magic touch and re-arrange my things... Minsan di ko maisip kung gusto ba nyang tumulong para mas makita ko ang mga bagay bagay o gusto nya lang talaga i harness ang kanyang artistic side sa paraang Abstract.
Abstract art uses a visual language of form, color and line to create a composition which may exist with a degree of independence from visual references in the world.
(chika ni Mareng Wiki Monsod)
Pag inayos ni Sasa ang kwarto...
May lines... oo! iniiwanan nyang nkapila sa pintuan ang mga bagay na winalis nya!
Color... kumpleto naman ang terno ng mga bedsheets,flatsheets at covers ng Kamaru pero si Sasa.. si Sasa bet ang mix and match ng mga bagay bagay. Di ko alam if may lahing aso ba si Sasa at color blind na sya sa edad nyang 15 or sadyang di nya na master ang colorwheel nung gradeschool kaya may pag ka off ang chromatic senses nya.
and finally Independence from visual references... Kung ano makita ni Sasa yun na! Si Sasa ay may pagka eme eme... Yung mga show-es nasa taas ng kamaru, may halaman sa loob ng dresser... yeys... sa loob talaga...at ang pinaka kinalokaw ko is ang saging sa ilalim ng kama! ano feeling nya ? may Ref sa ilalim ng kama? kalowka lang diba... Pero I love Sasa... kahit mas fresh pa ang pimples nya kesa sa kanya... I love him with all my heart. :)
Kwentong Longganisa
Well well well, look do we have here? Stressed akey dahil
uber traffikey na naman sa
kamaynilaan. Umalis ako ng balurya alas syete impunto sa
paniniguradong wiz akey ma leleyt
sa workangkong kong mahal.Ngunit , bagamat, datapwat,
subalit! na leyt pa rin ang lola nyo.
Uber haba na nga ng traffikey mayat maya pa sa pag Kakat deluna ang mga MMDA...
homaygash lang talaga debah.
Heniways nakarating naman ako ng buo at fresh , sing fresh ng longganisang ginagawa ko.Bukod sa nagulat ako dahil sa di ako na advised na sa isang
milenyong allowance na pala ang dapat i alot para sa traffikey na dati rati'y 40 years
na pag aantay lang, but now? you know huwat...
I have died everyday waiting for Christina Peri's thousand
years para lang makarating sa dapat kong paroonan. at dahil nga traffic
dinatnan kong wala ring utaw dtey sa factory ng longganisa , Nagmistulang
November 1 muli at tila ghost town ditey! wala ang lahat... as in wala ... ultimo
si Mosang na tiga bilad ng bituka for the longganisa wrapper ay wae.Syempre wae
ang mga usual suspects na sina PG at si Eya. Wae rin si Damulag, Si Koko, si
Kariton at Si Kampanerang Kugah even ang kapatid ni Angelica Panganiban ay wae.
Nanadya ba sila? lagi na lang ako! puro n lang ako. At sa
pag eemote kong ito Di ko namalayan na
may mga luhang nangingilid sa aking eyesung at biglang patak kasabay ng korus ng kanta ni
Ate Shashing ... ♪♪♫♪♫♪ were all alone... were all alone ♪♫....sa sobrang feel na feel ko ang ay di ko namalayang uber higpit na pala
ng pagkakabuhol ko sa unang dosena ng longganisang aking itinatali at sine set aside
Ng biglang…
Sumabog sya sa pes
ko! Ewwws! Nalulon ko ang isang tumpok ng taba mula sa giniling na karneng pinilit
kong pagkasyahin sa loob ng tuyong bituka. Sheyt lang talaga. Sa di inaasahang
pagkakataon, lumapit si Crushie na walang ka clue clue kung ano ang nagaganap…
ang latest na balita for him is ang pag panaw ni Comedy King some 5 months ago,
Yeys kung anong kina gwapo ni crushie ay
sya namang kina slow nya… and he asked
if may alam akong gamot sa pigsa. At dahil nga sa aligaga pa ako , napaoo na
lang ako at napa smile at nagsabing ittxt ko na lang sa kanya…
At bago nya lisanin ang 4 na sulok ng entabladong aking
kinatatayuan, nag iwan sya ng isang makapanibagong buhay na statement, “Oily Skin ka no? “ sabay
exit…
Crushie bakit ganun! Pag may talsik ng giniling sa mukha at
may taba ng baboy sa bibig Oily skin na agad? Di ba pwedeng naka moisturizer muna? Or may bagong beauty
regimen na trina-try…and I quote Krissy Kalerqui “inaamin ko… na offend ako Tito Boy!".
Kayo guys may alam ba kayong gamot sa pigsa?
Thursday, December 6, 2012
Mga Uri ng Friends
Mema - I dunno if its just me or it is just me lolz, Merong mga taong mapam push ng limit...limit...over the border line ... border line...I think I'm going to lose my mind... yung tipong naiirita ka na dahil sa uber mema ng kausap mo. Bawat hirit mema... bawat period mema.Isa sya sa mga Kuya Kim ang Peg at Nag take ng advance studies ng Memanics at Memathology. Pero so far lahat ng taong nakilala kong mema is may pagka harmless naman. Mabait sila, nature nila yun kaya minsan kahit na gusto mong mairita... oo ka na lang oo. ”Oo, Ate! Oo, Ate… Puro na lang ako oo, Ate! Para akong manikang de susi!”. Sabay slap sa fez ng friendship mong mema. Chos! syempre nga hinde mo papatulan kasi nga uber babait nila
:). Pero may mangilan ngilan din na di mo i-aatempt mag open ng discussion o ultimo mag
small talk dahil kapagod gums si kuya...Merese ng mapanis ang laway mo sa pag nganga kesa sa kausapin mo sya! Dahil pag di ka nag pigil, lagot ka.. bula bula bibig yan!
Havey - Ito yung mga taong bet mong kasama sa twina... mga kwela, mga bungisngisin, ika nga " No dull moment" dahil sa taba ng mga utak nila definitely they are not dull. They are so
sharp! Oo sharp nga ang mga dila nila, most of the time ay nakakatuwa sila and at the same
time nkaka offend sila! Pero dedma na ang mahalaga is happy ang barkada. Sarap maka good vibes ng mga Havey kasi sila yung taong swak! di pilit, di rehearsed mga baklang naturalesa.
GGSS - Sila yung mga taong aleli ng mga Doktor (see Narsisa). Bawat kibo harap sa salamin,
bawat lakad hanap ng salamin. Ito yung mga taong di mo alam saan humuhugot ng confidence sa katawan. Di naman kagandahan, kakinisan,kaputian at kayamanan pero kung maka arte hala! mahihiya ang ginginvitis sa pagdurugo ng gums mo sa mga salitang lalabas sa bibig nila.
EG:
GGSS: "lakas mka good vibes nung crush ko... sabi nya sa akin... Mas cute ka pala in person!" yun na! di man lang nahiya sa beywang nyang size 44 at sa pez nyang gamunggo oo gamunggong ganda lang ang pwede mong makita, dahil wa-e talaga.
Nganga - Yey! Sila yung unang buka pa lang ng bibig alam na! Alam na , wa-e sustansyang magegetlak sa kanila. More smile lang sila, more hawi ng bangs, konting purse ng lips and there you have it ladies and gentlemen. pasalamat na lang talaga kasi majority sa kanila is may angking ganda, kaya di na rin masama at least they are not an eyesore.
Forever Young - Sila yung mga late 40s na pero maliksi pa sa garapatang gutom. Rampa dito , rampa doon, Awra dito awra doon. Walang pagod! At ina achieve pa ang mga looks na shaved hair with tribal infusion. Kasuka! bakit kuya? bakit!!!! pabayaan mo sa mga teenager ang ganyang look at wag sayo.
LABLABLAB - sila yung mga taong bet lang... wala kang hanash...dahil uber linis ng kalooban ,walang bahid dungis. pag may nasabi kang di maganda about him/her feeling mo napakasama mo na. Pero uber konti lang nila at parang wala nga akong kilalang kagaya nila hahaha.. ikaw ba meron kang kilalang ganyan?
Bet na Bet! - Eto yung mga taong bet na bet mag pa GL... mga batang alaska... walang inatupag kundi ang mag pa libre, mang gastas... minsan masusuka ka na sa kanila kasi wlang ibang bukang bibig kundi "libre mo ako ha". Ok lang naman ang maging mapag bigay at man libre paminsan minsan pero wag naman yung gawing hobby ang pag papalibre...pero minsan eto ang mga trip na trip ka join ng mga paandar... kasi join lang ng join ang mga bet na bet together with mga baklang hamog at madamme na madamme naman ang PEG ng paandar kahit 5 balot lang ng kanton ang na i GL nya.
GG - Sila yung mga taong di mo alam kung bakit may pangangailangang manlinlang.
Halimbawa:
Ernalyn - "Mars ang ganda naman ng blouse mo..."
Germalyn - "totoo ba? , sige mars hayaan mo pag nag sale ulit sa MANGOE ibubuyla kita!" habang, sa lahat ng panahon OPM ang drama ni Mama , di na lang mag thank you sa bati.. may need pa talagang man GG!, GiniGi na si Ernalyn na Mangoe ang blouse nya, GiniGi pa na I GGL sya...kaya kayo beware!
Madam - "ay wala..., hinde puwede eh, kulang pa sa akin ito" eto ang normal na linya ng mga taong madam. Sila ang mga taong walang kamalay malay na nakakakurot sa puso ng mga taong maramdamin... Sila yung mga taong walang bahid na mag attempt ng GG offer para lang masabing nag offer.
MEMA LANG - (ang GG offer ay isa sa mga katangiang Pilipino na kadalasang ginagawa kapag tayo ay kumakain )
Halimbawa:
Baklang Hamog: "meym, kain tayo?..."(This is a GG Offer)
Madamme: "thanks , di ko bet.. busog pa akis..." (ito ang hirit ng mga taong classy at di lumaking PG)
Baklang Hamog: "meym, keri lang plenty to for all of us... look..."(hinati ni beki ang tinapay at napuno ang isang dosenang basket) may magic si bakla hahahaha... ( a second attempt in asking you to join them in their meal is mostly a genuine offer, so keri lang i grab..)
so alam na? ok move on na tayo jan... so ang mga madam ay mga taong pinag kaitan ng lahat ng bagay nung mga bata pa sila... mga batang sabik, 1st timer, gutom na gutom, deprived! oo lahat ng nega nasa taong madam, kaya ikaw wag mo ng i-attempt mang madam!
Aliw - Mga baklang mistulang adiktus dahil sa kakaibang trip sa buhay. Kahit na gaano ka eni eni ang pinag sasabi nila, super happy sila kasama.Sila ang mga baklang walang katapusan kung mag pasabog. Basta hakot sila sa Aliw awards sa twina.Kahit ano ipagawa mo sunod lang ng sunod. Di ko alam if hangin na lang ba ang laman ng utak nila dahil sa kakaibang pananaw nila sa buhay Or sadyang bet lang nila mag ansya ansyahan... trip trip lang, walang basagan.
Shalani - Sweet at Syala sila yung mga taong likas ang pag papaandar. Pero subtle lang. Walang halong yabang, walang halong sumbat. Gusto lang nila is everybody happy. Naniniwala sila na ang lahat ng sobra ay masama. kaya binabawasan nila ang sobra sa yaman nila at pinamumudmod sa mga baklang hamog. Ang bet ni Shalani ay chill chill lang, cowboy ang peg. Bet nya jumoin both sa mga nkaka LL at nkaka SS. Dahil bet lang nya at walang kung ano mang dahilan. Pag kay shalani, di lahat ng bagay dapat may paliwanag kahit wala keri lang.
Eksena sa ilalim ng dagat:
Baklang Hamog to Shalani: Pengeng Pera!
Sahalani: I got twenty...But who cares?, No Big Deal...
Baklang Hamog: I want more...
Shalani: Go.
Ganyan kabilis kausap si Shalani, mabilis pa sa blink ang decision making nya.
Paandar - Mabilis pa sa alas singko kung umiksena. Sila yung mga taong pilit pinapantayan ang estado ng mga Shalani. eksenadora sa twina, kung si Shalani ay subtle lang, ang mga Paandar ay More More More at Much Much Much...di bale ng magutom at mangutang si Paandar basta maka eksena lang. The best katandem ng mga baklang bet na bet.
Si Eve - Si Eve ay ang baklang itinakda! ang bida kontrabida. Lahat ng usapan ay tugkol dapat sa kanya. Bet na bet nya ang mga chikang all about eve dahil sa sya ang bida. Kahit anong tema ng usapan di mag mimintis at maisisingit ni Eve ang sarili nya ng walang ka effort effort. Si Eve na nga talaga, sya na nga... at sya lang talaga.
Hanashi - Sila ang mga taong, walang magandang sasabihin sayo o sa kapwa nila. Lahat na lang ikinu complain. Bakit eyebag ang tawag sa itim s ilalim ng mata, habang wala namang ganitong model ang SECOSANA. Bakit ka pangit? "kung di ka pretty at di ka yummy ano ka? anak ni Chukie?". Sila yung mga taong natural na itim ang buga ng kanilang hininga kalevel ng dugong nanalaytay sa kanila. Sila yung mga taong handang mang bad vibes sayo. Mostly sila yung mga taong bet mong di makita, at makanaig. At sila ang laging kaaway ng mga patola!
Patola- Mga taong kahit anong hanash ay pina patulan.Konting puna ang dami na agad talak. Walang kawala sa mga patola ang mga taong hanashi. Dahil kapag patola ka, kahit ano papatulan mo.
itutuloy...
MEMA!
Ayun nga, at ilang beses ko ng inattempt mag blog pero mistulang di talaga keri ng brain cells ko. Parang sadyang pag awra lang ang keri ko... more pa sweet more arte more drama pak YUN NA! at yung lang!.Naiinggit ako sa mga taong may angking talento sa pag susulat, yung type lang ng type then may saysay na ang mga bagay bagay , may kulay na ang pag sasalaysay, may pera sa basura, bawal umihe dito.Di gaya ko WA-E! wa-e mai ambag sa mundo ng blogosphere. Eto ako more type, more chika ending pa rin nganga!Naloloka ako sa kawalan ng coherence ng mga pinag sasabi ko. Ako mismo ang sumusuko sa diwang meron ako.At sa pag aatempt kong ito and i quote Susan Roces "not once, but twice!" ko ng i-nattempt mag blog pero di ko pina publish yung link ko dahil sa hinde nga ako sanay mag sulat at ayaw kong mapulaan ako ng sino mang di marunong tumanggap ng mga 1st timers sa pag susulat! oo ikaw nga daoterang frog!.Ayun... may hits naman ang nasabing unang attempt na blog ko hanggang sa binawi na ng server and URL ko dahil sa kawalan ng tumatangkilik sa blogsite nila...At dahil sa nag bblog n rin ang O-bessy ko, I'll try na mag blog na rin. Mema lang...
Subscribe to:
Posts (Atom)